SK 6:
The girls giggle in front of her. narinig niya rin ang bulungan ng mga ito patungkol sa kanya habang gumigiling sa kanyang harapan. Pero wala siyang pakialam doon, ang atensyon niya ay na kay Derron. Nakasandal ito sa couch habang nakadekwatro, nakasampay ang isang kamay sa sandalan habang ang isa'y may hawak na baso ng alak na nakuha pang iniaangat sa kanya habang nakangisi.
She hates that look. Tumayo siya at tinulak ang mga babae na nasa kanyang harapan. Napakamanhid ng mga ito dahil hindi makita ang kanyang pagkadisgusto. Nagreklamo ang mga babae dahil napaupo ang mga ito. Tinungo niya si Hel at binigyan ito ng isang malutong na sampal sa pisngi.
"Don't act as if you know me." Sabi niya rito saka nagmadaling umalis. Sinungaling ito. Wala itong alam tungkol sa kanya. Hindi ibig sabihin na naging tama ito sa isang bagay ay kilala na siya nito.
Hindi.
Hindi niya alintana kung may mabunggo man siya sa bilis ng kanyang paglalakad. Gustong gusto niya lamang makaalis dito. Binabawi niya na ang sinabi niya kanina na pinagpapasalamat niya ang pagsulpot ni Derron.
He's an ass. A jerk, bastard and all. Wala itong pinagkaiba kay Elton.
Pumara siya ng taxi ngunit bago pa man may tumigil sa kanyang harapan ay may humawak na sa kanyang braso.
"May kotse tayo."
"Let me go!" utos niya rito na hindi naman nito sinunod. Because she was reluctant to go with him, Derron had no choice but to drag her in his car. Pinili niya na lamang na huwag pumiglas dahil masasaktan lamang siya. Binuksan nito ang pinto ng passenger seat saka siya tinulak papasok sa loob.
"Hindi mo ba nagustuhan ang regalo ko?"
"Putang ina mo!" mura niya dito.
"Wow! Didn't know you can curse in Filipino. Ang lutong in fairness." Natatawang sabi pa nito. Napahilot naman siya sa kanyang sentido. Mas sumakit pa yata ang ulo niya ngayon, kailan ba matatapos ito.
"Paano kung siya ang sumasayaw sa harapan mo? Will you still act that way? I don't think so. " heto na naman ang mga opinyon ni Derron na akala mo kilalang kilala siya. She didn't response, she remain scowling at him. Ipinikit niya ang kanyang mga mata baka sakaling manahimik ito at kimkimin na lamang ang mga walang kwentang opinyon.
Napadilat siya ng kanyang mata ng biglang nagpreno ito. Nilingon niya ito para pagalitan kaya lamang ay napakaseryoso ng mukha nito habang nakatangin sa harapan.
Bigla siyang kinabahan ng makita si Elton. Nakaupo ito sa hood ng puting kotse nito na nakapark sa mismong tapat ng kanilang bahay. Pagkalingon niya ay nakalabas na si Derron para tunguhin si Elton na matalim ang tingin sa kanya.
Hinubad niya na rin ang kanyang seatbelt para lumabas dahil kahit nasa loob ng kotse ay ramdam niya ang tensyon sa dalawa. Lalo siyang nakaramdam ng matinding takot ng masilayan ang isang bagay na nakaipit sa pantaloon ni Elton. Agad niyang kinuha ang cellphone para humingi ng tulong dahil nakikita niyang hindi na maganda ang mangyayari.
"What are you doing here?" si Derron iyon, halatang pigil na pigil ang galit. Ilang hakbang lamang ang layo nito kay Elton na nakangisi sa kanyang asawa, pero iba ang mata nito...malikot, maligalig.
"I just want to scold you for being rude earlier. kinuha mo sa akin si Yuri. That was so bad," sumulyap ito sa kanya. Hahakbang ito sana palapit sa kanya pero mabilis si Derron na hinarang siya sa likod nito.
"I'm the husband. It's my duty to picked up my wife." She wants to scold Derron. He's provoking Elton, he invites danger for himself. Diniinan niya ang hawak sa braso nito para sana sabihin na huwag ng magsalita.
"Husband my ass." Tumawa pa ito , saka nilahad ang kamay sa kanyang gilid para abutin. "Come Yuri, I miss you so damn much, hindi mo ba ako na miss, huh?" ang mga tanong nito na paulit-ulit, parang sirang plaka. Kinikilabutan sya sa boses nito, she look up to meet Elton's eyes, gone the innocent , sweet and gentle bestfriend of her late brother. Isa lamang ang bagay ang nakikita at nararamdaman niya kapag nakikita o naririnig man lamang ang pangalan nito.
Takot.
"Go home, kuya Elton." Pilit niyang bigkas dito. Bigo nitong binaba ang kamay.
"You heard my wife, Come on Yuri." Pinagsiklop ni Derron ang kanilang mga kamay saka siya hinila papasok ng kanilang bahay. Umaasa siyang madali lamang iyon, na dito lamang sana matatapos ang usapan na ito, pero sino nga ba ang niloloko niya? Sarili niya lamang.
"You can't turn your back on me Yuri. You know that." She froze when Elton touch her hand. Napakahigpit ng kapit nito. It makes her tremble.
"Leave my wife alone, baliw!" tinulak ito ni Derron sa dibdib dahilan para mabitawan siya nito.
"Anong sabi mo?" galit na galit na sumugod si Elton kay Derron ang kaninang tinitimpi kanina pa ay kumawala na.
"Gusto mong ulitin ko? Sige. Ang sabi ko baliw ka, crazy , lunatic, obsessed sa isang babaeng ayaw sa'yo! Hindi ko alam kung bakit pinakawalan ka pa sa mental. Bumalik ka doon because that's where you belong , pasalamat ka nga dahil hindi ka pinakulong ni Yuri sa kagaguhang ginawa mo sa kanya noong bata pa siya! Gago ka! Maniac!"
"Tama na Derron , please." Nakahawak siya sa mga kamay ni Derron habang umiiyak. What he said was all true.
"Ah!" malakas na sigaw ni Elton habang nakasabunot sa sariling buhok. He looks more than crazy lalo na ng ilabas nito ang baril at itutok kay Derron.
"Kuya Elton please don't " she shouted.
"Don't call me kuya!" sigaw nito sa kanya habang ang baril nito ay nakatutok kay Derron. Siya naman ay tinatakpan ni Derron.
"Pumasok ka sa loob Yuri." Utos ni Derron sa kanya.
"Ayaw ko!" Sigaw nya kay Derron. Gusto niyang pakiusapan si Elton na kumalma kaya ayaw niyang umalis. Ayaw niya sa nakikitang kakahantungan nito.
"Kuya please?" she begged again.
"Don't call me kuya! Alam mong mahal na mahal kita, ayaw ko ng kuya lamang ako, kaya nga inalis ko yung kapatid mo diba? Ayoko ng may kaagaw sa'yo? Tapos nandito ang gago na ito? Siya ang baliw, Yuri! Kasi diba, akin ka lamang?" tumatawa pa ito habang kinukumbinsi siya..."Come Yuri, aalis tayo, doon sa malayo na tayo lamang dalawa." Lumapit ito sa pwesto nila ni Derron para kuhanin siya.
"She will not go with you." Si Derron na sinasabayan pa ang galit ni Elton.
"Talaga? I have to kill you then," nanlilisik ang mata nito na tinutok ang baril kay Derron the next thing happened nag-aagawan na ang dalawa sa baril. She'c crying for help, sa wakas at naririnig niya na rin ang mobile ng pulis. Napasigaw siya ng makarinig ng dalawang magkasunod na putok. Unang bumagsak si Elton na sumuka ng dugo, sunod si Derron. Lumapit siya sa kanyang asawa. Ang mga police ay mabilis namang pumunta sa crime scene.
"Derron." Nagawa pa nitong ngumiti sa kanya. Nilingon nila si Elton na na sinasakay na sa stretcher. Ang kaya niya lamang gawin ay tignan ito habang dinadala ng ambulansya , hindi niya makita o maramdaman sa kanyang sarili ang awa para rito.
"Masakit ang legs ko." Reklamo nito, nilingon niya ang hita nito, mayroong dugo.
"May tama ka rin Derron." she shouted for help. Kailangan din na madala ang kanyang asawa sa hospital. She own him his life. Habang nakasakay sa sasakyan ay nakakapit siya sa kamay ni Derron, nakasandal naman ito sa kanyang dibdib.
"Hindi na gaanong masakit." Bulong pa nito.
"Shut up , malapit na tayo." Pagalit na sabi niya rito, alam niyang taliwas iyon sa nararamdaman nito. Hinawi niya ang buhok nito na nasa noo, pawisan ito.
"Do it again." Bulong nito.
"Ha?" hindi niya maintindihan ang sinasabi nito.
"Hawiin mo ulit yung buhok ko." Naguguluhan man ay sinunod niya ang gusto nitong mangyari...sana matapos na ang lahat ng ito. Gusto niya na muling bumalik sa tahimik ang kanyang buhay.