Yuri woke up with a slight headache. It's nine in the morning and she's in her room. The last thing that she remembered was the hugged that Derron gave her last night. He even told her that she knew the secret behind her tattoo.
Her two stars. It is located at the right side of her lower back, hindi naman ganoon kalakihan. The idea came from a freshmen competition in college.
Hindi niya maalala kung paano siya nakapanhik sa kanyang sariling kwarto. Baka si Derron, wala naman silang ibang kasama sa bahay. Maybe it was one of his I am nice kind of guy husband, pero bihira lamang naman iyon. They don't usually argue or fight, madalang lamang naman kasi talaga rin sila mag-usap. They can survive a day without talking, madalas talo si Derron sa aspeto na iyon kaya naman pinipili nitong umalis ng kanilang bahay, babalik na lamang kung kalian nito gusto.
Kailangan niya palang bumaba para mag breaskfast, bago iyon ay nag-ayos muna siya ng kanyang sarili. Natulog siya gamit ang damit kahapon, mas mabuti kaysa naman bihisan siya ni Derron ng pantulog. Kinilabutan siya sa kanyang naisip.
Maaingay sa kusina ang bumungad sa kanya, medyo nagulat pa siya ng makita si Derron na naka-suot ng apron, habang may hawak ng dalawang plato. Sa kanan ay may nakalagay na bacons and hotdog, sa kabila naman ay fried rice. Nagulat pa ito nang makita siya.
"Upo ka na, breakfast is almost done." Simpleng tango ang sinagot niya dito. Humila siya ng upuan para umupo na kagaya ng sabi nito. Ilang sandali pa ay lumabas na ito dala ang fresh juice and utensils. Hinubad na rin nito ang suot na apron.
"Nasaan si manang?" tukoy niya sa kasambahay na siya dapat na nag-aayos ng kanilang almusal sa halip na si Derron.
"Nag-paalam, may sakit daw ang anak." Naramdaman yata nito na nakatingin siya, lumingon kasi ito sa kanya.
"Ayaw mo bang kumain? Hindi naman kita lalasunin." Sabi na nito sa kanya. She just ignored his words. Kaya rin hindi sila nagtatalo dahil hindi siya pumapatol sa mga sinasabi nito. Kinuha niya ang fried rice, para magsalin sa kanyang sariling plato. Kumuha rin siya ng bacon at tumusok ng hotdog.
"When was the last time you use your mouth in full?"
"Anong ibig mong sabihin?" hindi niya tuloy naituloy ang pagsubo ng hotdog sa kanyang bibig dahil sa tanong nito.
"Kung may gustong kang sabihin sa akin, o isagot sa bawat tanong ko, bakit hindi mo sabihin. Sayang ang laway mo kung hindi ka magsasalita." Reklamo nito sa kanya, katulad niya ay sumasandok na rin ito ng pagkain. Hindi nga ba't mas maganda na hindi siya pumapatol sa mga sinasabi nito? Sa ganoong paraan hindi nagiging komplikado ang mga bagay bagay sa kanila. Tama na na parehas silang napilitan sa arrangement na ito, parehas nilang hindi nagagawa ang mga bagay na sana'y ginagawa nila ngayon. Parehas silang na trapped sa kasunduan ng mga matatanda sa ngalan ng negosyo.
"You want an understanding wife." nakataas ang kanyang kilay na tanong dito." Hindi ba't iyan naman ang sinabi mo noong gabi ng engagement natin?" paalala niya Rito.
"Mas maganda pala na hindi ka nagsasalita minsan, you have a very sharp memory. Siya nga pala sa bahay nina mama tayo mag-lulunch, gusto ni yeye na makita tayo." Ang yeye o ang lolo nito sa paternal side. Magiliw naman ang matandang Wu, kaya lamang hindi pa rin maiaalis ang kanyang kaba kapag kaharap ito.
Gusto niya sanang tumanggi, magdahilan na marami siyang gagawin kaya lamang ay alam niyang magiging imposible iyon, baka kapag hindi siya pumunta ay hindi na rin tutuloy si Derron. Malaking problema kapag ang mga elders at magulang nila ay bumisita sa kanilang bahay. Malalaman pa ng mga ito ang set-up nilang mag-asawa. Siya na ang naghugas ng kanilang kinainan, matapos noon ay naghanda na silang dalawa ni Derron , pagbaba niya sa kanyang kwarto ay nakaabang na ito sa hagdanan. Napatingala ito sa kanya habang humahakbang siya palapit dito. Kunot ang noo nito habang nakatingin sa kanyang ayos, para namang may bago doon, slacks at blouse pa rin naman ang suot niya.
"Family gathering ang pupuntahan natin, hindi meeting, don't you have anything to wear? A dress perhaps?" So, mayroon nga itong problema sa kanyang suot."Nevermind na nga, let's go." Nauna na itong lumabas siya naman ay sumunod dito. Para naman kasing bago ito sa kanyang style ng pananamit.
"Posibleng matanong na naman tayo kung bakit hindi pa tayo nagkakaanak." Umpisa nito, malapit na sila sa mansion ng mga Wu, habang nasa byahe naman ay wala silang imikan, ngayon ay sumasang-ayon siya na dapat mag-usap sila kahit paano. "It's not that I'm incompetent, we can do it anytime, ikaw lamang ang siyang nandidiri." Nilingon ito ni Yuri at sinamaan ng tingin, bastos talaga.
"We can tell them that we're too busy. Having a baby right now it's not the best option, lalo na at kakakuha lamang natin ng malaking projects." She suggested, tumango naman ito, kung tutuusin pabor nga rito, wala silang anak, walang komplikasyon, makakapamuhay ito ng binata.
"Who's going to say that in front of the elders?" mukhang gusto pa ng asawa ay siya ang magpaliwanag, kahit pa angkan naman nito ang haharapin nila.
"Sino sa tingin mo?" hindi niya tuloy mapigil na uminit ang kanyang ulo.
"Just stay still. I'll open the door for you." Paalala nito sa kanya. Inalalayan nga siya nito pagpasok, sinalubong sila ng mommy nito, ang mga ate nito ay nandoon din kasama ang mga asawa, then the elders, they paid their respect, binati silang dalawa dahil sa na-iclose na transactions. Kagaya ng kanilang inasasahan, natanong sila kung hindi pa ba siya nabubuntis, kahit handa na silang dalawa ni Derron sa kanilang sagot ay nakakaba pa rin. Tiniganan niya si Derron na nasa kanyang gilid, ang kanang kamay nito ay naka-akbay sa kanyang balikat. Aakalain mo talaga na hindi sila nagpapanggap. Siguro sanay na nga talaga sila sa ganoong palabas. Basta hanggang doon lamang ang kanilang pagpapanggap.
"Anak, masyado yatang subsob si Yuri sa trabaho, bakit hindi kayo magbakasyon na mag-asawa? Sa tingin ko makakabuti iyon para magkaroon kayo ng time sa isat-isa." Suhestyon ng daddy ni Derron, muntikan niya ng mailuwa ang kanyang iniinom, buti na lamang at hindi.
"We're planning that soon dad, sa ngayon wala pa kasi kaming maisip na puntahan, but eventually we will do that. I need to spend time with my wife , hindi puro trabaho lamang, right sweetheart?" malagkit pa itong bumaling sa kanya, sa kabila ng ngiti na binibigay niya dito ay ang kagustuhan niyang tusukin ang mga mata nito.
Gusto niya ng matapos ang araw na ito.
Buong akala niya ay ayos sa lahat ang kanilang palabas, pero bago sila umalis ay kinausap siya ng mommy ni Derron, napakaseryoso nito na siyang nagpakaba sa kanya.
"Alam ko ang mga ginagawa ng anak ko, alam kong may mga babae siya bukod sa'yo, pero Yuri, hindi maghahanap ang lalake ng iba kung ginagampanan mo ang iyong tungkulin bilang babae. Nakuha mo ba ang ibig kong sabihin?" bagama't tutol siya sa sinabi nito ay wala siyang choice kung hindi ang sumang-ayon...kasalanan ba lagi ng babae? Hindi ba dapat parehas lamang sila?
Kaya naman iyon ang laman ng kanyang isipan pagbalik nila sa kanilang bahay, kaya lamang ay may tumawag sa cellphone ni Derron, mukhang babae iyon base sa lambing ng boses nito. Hindi siya nakatingin, abala ang kanyang mata sa tanawin sa labas...sana naman ihatid siya nito sa bahay bago isipin na pumunta sa kung saan nito gusto, o kung kanino mang kandungan nito gusto pumunta. Ayaw na ayaw niya pa naman ang nag-cocomute.
"Pupunta ako sa kaibigan ko pagkahatid ko sa'yo." Sabi nito sa kanya, matapos tapusin ang tawag.
"You don't need to lie. You can play all you want." Sagot niya rito, wala siyang pakialam sa kung ano ang narinig niya sa nanay nito.
"You're really something right?" napalingon tuloy siya sa sinabi nito.
"My mother talked to you about me and my wrongdoing, ano di ka ba mag-eexert ng effort para hindi ako mambabae?" he mocked.
"Wala akong pakilam kung kanino ka pa pumasok." Inis na sabi niya dito.
"Talking dirty are we? " mas lalo siyang naiinis sa paraan ng pagtawa nito, it was like he's using what he knew to make her feel stupid.
"Don't you miss the smell of it? Tutal it's been a long time.."
"Shut up." Gigil na sabi niya rito, sa wakas ay tumigil na ang sasakyan, masama ang tingin nito sa harapan kaya naman bumaling din doon ang kanyang mata. May delivery boy na nakatayo sa labas ng kanilang bahay, may dala itong bulaklak. Unang lumabas ang kanyang asawa, dirediretsong tinungo ang delivery boy. Hindi siya lumalabas, nakatingin lamang siya sa dalawang nag-uusap sa kanyang harapan. Maya-maya pa ay parang nagagalit na si Derron kaya naman nagdesisyon siya na lumabas.
"Sorry sir, taga deliver lamang po ako. Pasensya na po, tama naman po ang binigay na address. Pasensya na po kung walang Yuri Yang na nakatira dito." May bakas ng takot sa bawat salita ng delivery boy, walang wala kasi ang katawan nito kumapara sa malaking bulas ng katawan ni Derron.
"Ako si Yuri Yang." Sagot niya dito.
"Kayo po ba?" paniguradong tanong nito sa kanya saka bumaling kay Derron.
"Yuri Wu ang pangalan ng asawa ko." Lumapit na siya at kinuha ang bulaklak. She signed the delivery logsheet para naman makaalis na ito, kahit sa kabila noon at takot sa taong nagpadala ng bulaklak.
"Salamat po." Umalis na ito sakay ng motorsiklo.
"Bakit mo tinanggap? Sabik ka rin ba na makatanggap ng bulaklak? Iyan lamang ba ang katapat mo?" inis na litanya ni Derron sa kanya.
"Para makaalis iyong tao..." hindi pa man siya tapos sa sasabihin ay inagaw nito ang bulaklak. May kinuha itong note sa loob, hindi niya napansin iyon.
"To my number one girl. I miss you so much."
Nakaramdam siya ng kilabot sa pagbigkas ni Derron, pakiramdam niya nandoon lamang sa paligid ang taong nagpadala noon. Hindi siya tinantanan ni Derron, hanggang sa loob ay kung anu-ano ang sinasabi nito, kahit pa sinabihan niya na itapon ang natanggap na bulaklak, tumungo siya sa kusina para uminom ng tubig, sapo niya ang kanyang ulo.
Naguguluhan. Hindi niya alam ang kanyang gagawin, pakiramdam niya, bawat galaw niya ay nandyan si Elton, pakiramdam niya nakamasid ito.
"Give me some water too." Utos ni Derron sa kanya. Akala niya aalis ito pero nandito pa rin sa kanilang bahay.
"I thought you're going out?" tanong niya matapos ilapag ang baso ng tubig sa harapan nito.
"You're going with me." Hindi iyon paki-usap kung hindi utos mula dito.
As if naman, makukuha siya sa utos nito. She will just stay at home kahit na hindi na siya kumportable na mag-isa lamang sa malaking bahay, pipiliin niya ang mag-isa.