Kabanata 33 A L E X A “Anong ginagawa mo dito?” Malamig kong tanong nang marinig kong sinarado niya ang pinto at sumunod sa akin. Nagtungo ako sa maliit na kusina at nagsalin ng tubig sa baso para makainom. Nagbabara ang lalamunan ko. May hikbing gustong kumawala. Narinig ko ang yabag ng mga paa niya palapit sa akin. Pumalupot ang mga bisig niya sa maliit kong baywang at naramdaman kong pinatakan niya ng halik ang tuktok ng aking ulo bago yumuko at inihilig ang kanyang baba sa aking balikat. “Are you mad at me?” napapaos na bulong Hindi ako kumibo at sinubukang kumalas sa yakap niya at nagtungo sa kama para sana mahiga ngunit agad niyang nahawakan ang bisig ko. “Let’s talk,” aniya sa marahang paraan. Umiling ako. “Wala naman tayong dapat pag-usapan. Gusto ko lang magpahinga.” “No

