Kabanata 21 A L E X A “Thank you very much for tonight, Alexa. I appreciate you accepting my dinner invitation. To be honest, I was worried you wouldn't accept my invitation, but I am glad you did.” Napangiti ako. After ng dinner namin ay hinatid niya pa ako sa bar na pinagtatrabahuhan ko. Wala akong masabi sa kanya. Napakabait niya sa akin at hindi ko maintindihan kung bakit. Hindi ko maalala kung may nagawa ba akong mabuti sa kanya para tratuhin niya ako ng ganito. “Salamat din sa dinner.” Kanina nagpresinta ako na maghati kami sa bill pero hindi siya pumayag dahil ayon sa kanya siya naman daw ang nagyaya sa akin pero kahit na, kaya nga doon ko napiling kumain kami dahil plano kong bayaran lahat ng kinain ko. Ayoko naman kasing samantalahin ang kabaitan ni Gabriel. Hindi niya deserv

