Chapter Three
Hinihilot ni Islao ang batok niya habang pinagmamasdan ang batya sa gitna ng mesa. Naroon ang 20 kilos na tilapia.
"Hindi porke mura ay bibili ka na ng marami, Prima. That's not how ito works... Wow, English!" biglang preno nito. "Pero hindi ka pa rin dapat bumili ng marami. Hindi nga kasya sa ref iyan."
"Uulamin naman---"
"Rich girl?" biglang ani ng lalaki. Umangat pa ang kilay nito.
"H-indi. Mura lang talaga iyan," biglang defensive na sagot ko.
"Baka nagtatae na tayo hindi pa ubos iyan. Masasayang lang. Anong naiisip mong gawin sa mga ito? Tsk. Bago ka pa lang dito sumasakit na agad ang batok ko," himutok ng lalaki.
"Isdaaaa! Isdaaaa!" malakas na sigaw ng ginang sa labas. May dala itong dalawang timba. Bigla akong nagka-idea.
"Tara, Islao. Ibenta natin," yaya ko rito na para bang close na close na kami ng lalaki na ngayong araw ko pa lang naman na meet. Sinimangutan ako nito. "Kung hindi natin maluluto ito ay baka masira. Kaya ibenta na lang natin. Buhatin mo na. Lika na." Agad na akong lumabas ng kusina. Salubong na salubong na kasi ang kilay ng landlord ko. Baka mapalayas agad ako kahit unang araw ko pa lang dito. Wala akong nakikitang mali sa ginawa kong pagbili ng 20 kilos... mura kaya.
Pasimple akong lumingon. Nakasunod na si Islao, ang batya ay nasa ulo niya. Salubong ang kilay at nang nagtama ang tingin namin ay umirap pa ito. He looks annoyed.
"Islao, What should I shout? Like, fish? Fish kayo d'yan?"
"Arte! Sabihin mo lang isda." Lumabas na kami ng gate. Ang mga poging tambay ay takang napatingin sa amin ni Islao.
"Mga tangina ninyo... bumili kayo ng isda namin," inis na inis na ani nito.
"Wala kaming pera, Islao. Galingan n'yo na lang sa pag-iikot," nagtawanan ang mga ito.
Hindi kami dumaan sa talipapa.
"Mas maraming tinda roon na pwede nilang pagpilian. Sa tingin mo papansinin ka nila roon? No. Kaya rito tayo. Sige, sigaw." Ang sungig naman nitong lalaking ito.
Nakailang sigaw na ako pero walang lumalapit para bumili. Hinarang ko pa nga iyong isang ale para tindahan siya pero hindi raw niya kailangan.
30 minutes na kaming naglalakad pero wala pa ring benta.
"Stop!" ani ko. Napahinto ang lalaki na tagaktak na ang pawis. "I'm so tired na. Ipamigay na lang natin iyan." Tinitigan ako nito na parang unbelievable ako. Okay naman iyong naisip ko, right? Ipamigay na lang kaysa masira pa. Lumakad kaming muli hanggang sa makaabot sa isang plaza.
Maraming tao dahil may paliga.
"Kuha na po kayo. Libre lang po."
Hindi malakas ang boses ko pero iyong mga nakarinig ay inulit-ulit nila iyon. Hinila ako ni Islao dahil naglapitan na ang mga tao.
"Islao, totoo bang libre ito?" ani ng isang ginang.
"Kumuha na po kayo, Manang. Libre lang. Naparami kasi ang nabili ng kasama ko," sagot naman ni Islao. Sa isang iglap ay naubos ang isda. Literal na wala pang isang minuto. Marami ang hindi nakakuha, pero may mga uuwing nakangiti dahil may ulam na sila. "Tara na!" masungit na namang yaya ni Islao sa akin. Karay-karay ako nito nang lumabas kami ng plaza.
"Kung hindi ka marunong mamili ay magsabi ka na lang, Prima. Kami na ang mamamalengke para sa 'yo."
"Ha? I can manage kaya. Sadyang mura lang---"
"Stop. Hindi porke mura ay papakyawin mo na. Iyang mura na iyan kapag masira ay sayang. Remember that."
Binilisan na nito ang paglalakad. Ako naman ay sinubukan ko itong habulin. Kaso 5x ang bilis ng lakad nito. Napakamot ako sa ulo. Kumurap lang ako'y hindi ko na nakita kung saan ito lumiko. Napakamot ako sa ulo. Sinubukan kong hanapin pero hindi ko na makita pa.
"Hi, bata!" ani ko sa batang nakasalubong. "Alam mo ba kung saan iyong street ng mga gwapo?" tinitigan ako ng bata na para bang mali ang sinabi ko at hindi niya ako maintindihan. "Alam mo ba?"
"Te! Te!" napalingon ako sa batang tumawag sa akin. "Hindi po iyan nagsasalita." Napakamot ako sa batok saka iniwan ang bata at iyong isang bata na lang ang nilapitan.
"Boy, saan ba rito iyong street ng mga gwapo?" I'll ask nga later kung anong street name roon. Ang weird kasi na gano'n ang ipangalan sa street nila.
"Ah, alam ko po iyon. Ihatid na lang kita." Mabuti na lang at nagprisinta ito. Inihatid niya ako sa paupahan. "Dito ka pala nakatira. Girlfriend ka ba ni Kuya Islao?" nagsalubong ang kilay na umiling ako.
"Hindi. Nangungupahan ako d'yan."
"Kailan pa po?"
"Ngayon lang," sagot ko naman dito. Saktong bumukas ang gate.
"Bakit ngayon ka lang?" masungit na tanong ni Islao. Taray! Kung makapagtanong ay parang boyfriend ko siya at hindi niya ako iniwan kanina. Pwede naman... kung gusto niya akong maging girlfriend ay pwedeng-pwede.
"Iniwan mo ako 'di ba? Ayon... naligaw ako," nakasimangot na ani ko rito. Saka ako lumakad papasok sa gate. Pero nang naalala ko ang batang naghatid sa akin ay agad akong lumingon. "Nasaan na iyong bata?" tanong ko sa lalaki. Nagsalubong ang makapal na kilay nito't parang takang-taka sa akin.
"Anong bata ang sinasabi mo, Prima?"
"Iyong bata... iyong naghatid sa akin dito---"
"Wala kang kasamang bata," tugon nito na sumilip pa sa labas ng gate. Sumilip din ako. "Anong trip mo?" tanong pa nito sa akin na para bang weirdo ako sa paningin niya.
"Tsk. Baka umalis na," sagot ko sabay lakad papasok ng bahay. Nagtungo muna ako ng banyo para saglit na umihi. Paglabas ko'y inabutan ko sa kitchen si Islao. Seryosong nakatitig sa loob ng ref. Saka niya isinara iyon at tumingin sa akin.
"Dito sa bahay pwede kang magpasabay ng luto if you want... kung ayaw mo naman makikain ay magsabi ka kaagad para hindi namin sobrahan ang iluluto namin. Kung may pagkukusa ka ay pwede ka naman ding maghugas ng plato---"
"Nabasa ko iyong mga rules mo rito," itinuro ko pa ang nakapaskil na sarcastic nitong reminder.
"Good. By the way, alam mo naman siguro na may curfew rito?" natigilan ako. Hindi ko alam iyon.
"10 pm ay dapat nasa loob na ng bahay. Bawal magdala ng bisita lalo na lalaki. Kung may kikitain ka ay sa labas mo lang pwedeng kitain. Hindi rito sa bahay." Basic rules siguro iyon sa nangungupahan ng kwarto. I don't know. First time ko lang gawin ito. Kaya naman tumango lang ako sa sinabi nito.
Nang iwan ko siya sa kusina ay dumeretso ako sa kwarto. Mag-aayos muna ako ng gamit ko. May cabinet naman doon kaya maisasalansan ko ang mga dala kong damit.
Habang busy ako roon ay unti-unti kong nare-realize na kaunti lang ang gamit ko. I need to buy para hindi ako kapusin ng damit. Maybe bukas? Kailangan ko talagang bumili. Pati na rin ang ilang gamit para rito sa kwarto. Pagkatapos kong iayos ang damit ko'y humiga ako sa kama. First day? It's fine. Good start.
Nakaidlip ako. Pero nagising dahil sa katok. Nang tignan ko ang relo ay nakita kong 7 pm na. Kaya dali-dali akong bumangon at binuksan ang pinto.
"Handa na ang dinner," ani ng lalaki na para bang labag sa loob nitong yayain ako. Kapag mag-asawa na kami hindi pwedeng masungit ito sa akin. Dapat sweet ito.
"Sige. Sunod na lang ako," ngumiti pa ako baka sakaling mahawaan siya ng ngiti ko. Kaso umirap lang ito. Hays. Bakit ba ang sungit ng landlord ko sa akin? Ayaw ba niya sa tenant na maganda?
Kinuha ko lang ang phone ko saka lumabas na. Kami lang ang kakain. Ako lang ba ang tenant niya?
"Tayo lang? Wala ka na bang ibang tenant?" umupo ako sa hinila nitong upuan.
"Panggabi ang pasok nila. Kaya hanggat maaari ay bawal ang maingay sa umaga dahil iyon lang ang time ng pahinga nila," napatango-tango ako.
Pritong tilapia at sinigang na tilapia ang ulam. Pero mas pinili kong ulamin ang sinigang na tilapia. Masarap ang luto nito. Sabaw pa lang ay ulam na.
Ganado kaming kumain.
"Islao, magkano ang kailangan kong iambag sa food?"
"Ikaw ang bahala pero hindi pwedeng bumaba sa 5k a month," Wow! Ako raw bahala pero may budget range. Pero iyong 5k na iyon ay mababa lang naman. Lalo't masarap ang food.
"Ibigay ko later," ani ko.
"'Ge, katukin mo na ako mamaya," tugon ng lalaki. Saka nanahimik at nagpatuloy na sa pagkain.
Pagkatapos kumain ay saktong may tumawag dito.
"Kaya mo naman sigurong magligpit?" turo nito sa pinagkainan namin.
"Of course!" tugon ko. Nakakahiya namang sabihin hindi 'di ba? Agad itong tumayo at umalis na habang may kausap sa phone. Ako naman ay kumilos na para ligpitin ang kinainan namin. Pinagpatong-patong ko lahat at sabay-sabay na dinala sa lababo. Ngunit nagulat ako sa ipis na bigla na lang lumipad sa direction ko. Napatili ako't nabitawan ang bitbit.
Basag ang mga iyon. Pero ang nasa isip ko ay ang ipis na ngayon ay kumapit na sa damit ko. Sinubukan kong pagpagin pero lumipat lang nang lumipat. Kaya ang option ko na lang... hubarin ang damit ko.
"What the f**k?" bulalas ng lalaking mukhang nataranta sa pagbalik sa kusina. Nakatitig ito sa akin. Bumagsak sa dibdib kong bra na lang ang nagkukubli.
"May ipis..." mangiyak-ngiyak na ani ko. "I'm scared of ipis," dagdag ko pa. Bumagsak sa mga nabasag na plato at baso ang tingin nito. "B-abayaran ko na lang ang nabasag ko."
"Tsk. No need. Pumasok ka sa kwarto mo at magbihis. Huwag kang maghuhubad kung saan-saan, Prima." Umirap pa ito saka lumakad papasok ng kusina. Hiyang-hiya na tumakbo ako sa kwarto at mabilis na isinara iyon. May kalakasan pa nga ang pagkakasara. Nang gumawi ang tingin ko sa malaking salamin ay nakita ko ang pulang-pulang mukha.