ESTÉE POINT OF VIEW "Hon..." "Alec..." "Love?" Tatlong sunod-sunod na tawag ko na sa kanya, pero wala pa ring sagot. Nasa home office siya at may Zoom meeting raw with someone from Singapore. Pero hindi iyon ang mahalaga sa ngayon. Mas mahalaga ang pakwan. Yes, pakwan. At kailangan ko ito ngayon na. As in, right now, this second, or baka mabaliw ako. Bumuntong-hininga ako at sumilip sa office niya. Si Alec, naka-blazer pero naka-boxers lang sa ilalim ng desk. Tuwang-tuwa pa rin ako sa pagiging half-formal, half-harassed husband niya tuwing work-from-home days. “Babe…” bungad ko habang kinakalabit ko ang door. “Wait lang, love, ten minutes,” sabi niya habang nakatitig sa screen. “Just a few more slides.” “I need watermelon,” sabi ko, seryosong-seryoso, halos maluha-luha pa. Napa

