ESTÉE POINT OF VIEW Ilang araw na akong hindi mapakali. Hindi dahil may problema sa bahay o dahil nagkaroon na naman ng issue sa Monteverde Corporation. Hindi rin dahil sa mainit ang panahon o wala akong ganang kumain. Sa totoo lang, sobra nga akong takaw nitong mga nakaraang linggo. Ang weird lang talaga ng pakiramdam ko. Nag-uumpisa akong kabahan. Lima... anim... pitong araw na akong delay. At para sa isang tulad kong laging regular ang cycle, hindi iyon normal. Sinubukan kong huwag pansinin noong una. Baka stress lang, baka puyat, baka epekto lang ng pagbabago sa diet. Pero habang tumatagal, mas lalong lumalalim ang kutob ko. Kaya heto ako ngayon, nakaupo sa ibabaw ng toilet bowl, hawak ang isang pregnancy test kit na kanina ko pa tinitigan na parang bombang pwedeng sumabog anumang

