Selene Mariin kong pinunasan ang mga luha ko at dali dali akong lumabas ng opisina ni Louis. Pagod na ako, pagod na ako sa kaniya. Ni hindi niya man lang pinapakinggan ang paliwanag ko at mas pinipili niya palagi ang iba kesa sa akin at sa anak namin. “Ma’am Selene, saan po tayo-“ Hindi ko pinansin si Jed na nakaabang sa labas ng pintuan at siyang sumalubong sa akin. Sa halip ay dumiretso ako sa back exit dahil alam kong marami pa ding tao at reporters ang nakaabang sa labas. Buti na lang at may dala akong face mask sa bag na bitbit ko kaya nung makalabas ako ay dali dali kong sinuot yo’n para makaiwas sa mga tao at para hindi nila ako makilala. Buti na lang at nakapara agad ako ng taxi kaya dali dali akong sumakay do’n. Habang nasa biyahe ay ramdam kong nagv-vibrate ang cellphone ko a

