Olivia Isasaoli ko lang sana si Alana kina Selene at Louis pero pagdating ko sa babay nila eh tanging si Selene lang ang naabutan ko do’n at mukhang hindi siya mapakali. Hanggang ngayon hindi ko pa din talaga maintindihan kung bakit mas pinili ni Louis ang babaing ‘to kesa kay Stella kahit alam niyang disgrasyada ang babaing to, kung bakit ba naman kasi napakabagal kumilos ng magkapatid na yo’n. Nakakainip na! Pagod na akong makipagplastikan dito kay Selene masusuya ako sa babaing ‘to. Hindi ko naman talaga gustong alagaan ang batang ‘to, si Samuel lang ang nagpumulit sa akin na hiramin ko ang bata mula kina Louis. Napapailing na lang ako habang pinagmamasdan ko si Selene. Nagulat siya nung magawi ang tingin niya sa amin ng anak niya na buhat buhat ko. “Ma, Alana.” Salubong niya sa am

