Selene Hindi ako mapakali at kanina pa ako palakad lakad dito sa may sala namin habang hinihintay si Louis. Napalamukos ang ng mukha habang naghihintay para kay Louis, anong oras na kasi at wala pa siya. Pumunta ako sa opisina niya kanina para kausapin siya tungkol sa paghahanap ko ng trabaho at maging patungkol na din sa pag-hire niya kina Shan at Natalie kahit alam niyang hesitant ako una palang pero wala naman akong magawa, ngayon pa lang nagiging maayos na maayos ang relasyon namin ng Mommy niya at ayoko namang sirain yo’n sa panibagong misunderstanding lang. So far, both Shan and Natalie is keeping their distance on me and my daughter so I am fine with them being around dahil may tiwala ako kay Louis. Higit anim na buwan nang bumabagabag sa akin ito pero wala naman akong magawa. N

