Selene Limang buwan na ang nakakalipas simula nung mangyari ‘yung hindi namin pagkakaintindihan ni Louis dahil sa ginawa ni Julain. Naging maayos naman kami matapos no’n pero parang ang laki ng pinagbago ng pakikitungo sa akin ni Louis, parang sala sa init at sala sa lamig ang sistema namin. Minsan hindi ko maintindihan ang timpla ng ugali niya. Pinayagan niya akong magtrabaho pero napakastrikto at higpit niya naman sa akin. Nandito ako ngayon sa kuwarto ni Alana at inaayusan ko siya. Hindi ako makapaniwala na mag iisang taon na siya at napakabilis ng panahon! Ilang araw na lang at kaarawan niya na! “Maaaa!!” Napapangiti ako sa maliit at cute niyang boses na tumatawag sa akin habang tinatalian ko ang buhok niya. “Anak, sandali lang, huwag malikot, okay?” Mariin ngunit malumanay kon

