Selene Mahigit limang buwan na ang nakakalipas simula nung naghiwalay kami ni Louis, kinukulit niya pa din ako na magbalikan kami at gusto niyang makita si Alana pero hindi ako pumapayag. Tatlong buwan na ang nakakalipas simula nung bumukod ako kay Mamita, she and Katty is such a huge help for me and Alana. They has been my support system ever since pero nagdesisyon akong mag move out at mag solo para na rin hindi na ako makulit ni Louis. Dinadalaw naman nila ako dito sa unit ko halos araw araw nga silang nandito para tulungan ako sa gawaing bahay at sa paga alaga kay Alana eh. Naghahanda ako ngayon kasi papunta kami sa park para ipasyal si Alana, mag isa lang ako dahil wala pa si Katty pero nasa stroller naman si Alana at hindi naman siya iyakin kaya madali para sa akin na alagaan siy

