Olivia Kakauwi ko lang galing sa bahay nina Louis at hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng inis. Ano bang meron sa Selene na yo’n at hindi maiwan iwan ni Louis?! “Saan ka na naman galing?“ Bungad na tanong sa akin ni Samuel. “To your son’s house.” Tipid kong sagot tapos ay kinuha ko ang bote ng wine na nasa table. “Hindi ka pa ba napapagod, Olivia. It is clear, your son wants no one but Selene.” Mariing sambit niya sa akin kaya napahinga ako ng malalim at napailng. “At yo’n ang hindi ko maintindihan, Samuel.” Sarkastikong sambit ko sa kaniya. “Parang gaya ng kung paano kita pinaglaban noon kay Mama, Olivia. Just let your son be happy.” Mariing paalala at payo pa niya sa akin. “Whatever.” Mariin kong sambit sa kaniya tapos ay nagsalin ako ng wine sa shot glass. “Ma’am, Ma’am

