PARIS/CHASE "Bagay talaga sila Miss President at Vice President" sabi ng mga babaeng nagkukumpulan nakatingin sila kay Rachaelle at Jarius na may hawak na papel siguro parte ng trabaho nila bilang member ng student council. "Bagay ba yan pagtitignan mo nga walang dating parang magkapatid lang" bulong ko tinapunan sila ng irap gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil bakit nagpapa apekto ako sa dalawang yon. Agad na akong sumakay ng elevator papunta sa classroom kaysa marinig ko ang walang kwentang usapan nila "Oh Chase bakit nakabusangot ka? Anong nangyari?" tanong ni Axel sa akin umiling lang ako at umupo na. "Ni reject ka ba ng nililigawan mo?" tanong niya hindi na lang ako umimik kaya naman lalo siyang nangulit "Nireject ka nga? Sino naman ang babaeng tinangihan ang ka g

