PARIS HABANG naglalakad ako kausap ko naman si rachaelle sa phone "ano ba ang gusto mong flavor?" tanong ko sa kanya dahil nagpapabili ito ng donut "choco butternut love" masayang sagot nito alam kong nakangiti ito dahil kanina pa siya nag c-crave "sige love dadaan ako may iba ka pa bang ipapabili?" tanong ko habang umiinom ng soda. "Gusto ko ng barbecue at halo-halo" masayang sagot niya akala mo nagbubuntis at ang daming pinaglilihian gustong gusto mag diet pero maraming kinakain tapos magrereklamo siya kapag tumataba baka daw ipagpalit ko na siya. "Sige love ibaba ko nato. i love you" malambing na saad ko narinig ko naman ang pagsagog niya ng i love you too awtomatikong napangiti ako sa kilig. Pasakay na ako sa sasakyan ko ng biglang may tao sa likuran ko tinutukan ako ng kutsily

