PARIS/CHASE "Pauwi na kami Ate. Wala namang naging problema agad ding umalis si Paris" ani kuya rafael habang nakikipag usap sa kapatid niya hindi ko nakwento sa kanya na pumunta ako sa kwarto ko para kunin ang kwintas dahil s-sermunan niya ako at magagalit sila sa akin dahil sa pagsuway ko sa plano. "Pabalik na kami ayaw din naman mag hotel nitong si Paris gusto niya diretso na diyan tsaka kailangan din ako ng asawa ko ngayon na naglilihi siya mabuti na lang bumili ako ng mangga na lagi niyang binibilin" nakita ko ang ngiti niya ng mabanggit ang asawa niya halatang inlove balita ko unang anak nila ang dinadala ng asawa niya. "Paris, kung hindi ka lang anak ni Mr. Walters iisipin kong anak ka ni Kuya Ramiro kamukhang kamukha mo talaga si Chase pero sabi nga nila dito sa mundo may p

