PARIS/CHASE "Paris" tawag ni Mom Amelia kahit may edad na ito hindi halata sa kanya mahilig kasi mag work out at iniiwasan niya ang mga high carbs. Nakaramdam ako ng kaba dahil sa tono ng boses niya na parang may bad news akong malalaman. "Bakit po?" "Hija, may dapat kang malaman tungkol sa daddy mo" aniya habang titig na titig siya sa akin andoon ang hirap ng kalooban niya na parang ayaw niyang sabihin sa akin dahil masasaktan ako "Anong dapat kong malaman? May nangyari ba sa kanya?" "Tatagan mo ang loob mo hija sa malalaman mo.. Ang daddy mo wala na siya napabalitaang binawaian siya ng buhay kaninang madaling araw ayon sa impormanteng inutusan ko ang sabi daw ng step mother mo Cardiac Arrest" "Hindi ako naniniwalang Cardiac Arrest pinatay niya ang daddy ko para makuha

