"Magandang umaga po, ninong," masiglang na wika ni Hazelle sa kanyang ninong. "Magandang umaga rin sa iyo. Nag-almusal ka na ba?" tanong ng kanyang ninong. "Hindi pa po, ninong. Hinihintay ko po kasi kayong gumising. Nakakahiya naman po kung mag-aalmusal kaagad ako tapos kayo, hindi pa," aniya sabay kagat labi. Bumuntong hininga si Gabriel. "Hindi mo kailangang mahiya, Hazelle. Isipin mo na lang na nakatira ka pa rin sa bahay ninyo. Wala kang dapat ikahiya. Kung ano ang gusto mong kainin dito, sige lang. Siya nga pala, napansin ko na parang luma na yata ang lahat ng damit mo. Mamaya, sumama ka sa akin. Gumawa ka ng bank account mo para doon ako magbibigay sa iyo pati na rin ang sahod mo doon ko ise-send. Mamaya bumili ka ng mga damit mo. Sobrang luma na ng mga damit mo. Parang basahan n

