Habang nasa byahe si Gabriel, wala siyang ibang inisip kundi si Hazelle. Sa bawat sandaling may nangyayari sa kanilang dalawa ni Hazelle, patuloy na lumalalim ang nararamdaman niya para sa kanyang inaanak. At napagplanuhan na niyang aamin na lang siya sa dalaga kapag siguradong sigurado na siya. Lalo pa't ngayon lang siya iibig ng totoo. Pagsapit ng gabi, dumating na si Gabriel sa kanyang bahay. Pagkadating niya, dumiretso kaagad siya sa kuwarto ni Hazelle dahil may pasalubong siya. Kumatok muna siya ng tatlong beses bago pinihit ang doorknob. "Para sa iyo..." malambing niyang sabi bago hinalikan sa labi si Hazelle. "Salamat," tipid na sabi ni Hazelle. Kumunot ang noo ni Gabriel at saka hinawakan sa mukha ang kanyang inaanak. "May problema ba? Bakit parang napakalungkot mo yata? Ano

