Limang araw na ang lumipas, wala pa ring nangyayari kina Gabriel at Hazelle. Hindi muna kasi tumatabi si Hazelle sa kanyang ninong matulog. Naisip niya, puwede namang kumita siya ng pera sa pagiging kasambahay niya. At dahil iniisip niya rin ang payo sa kanya ng mama niya. "Aalis na ako," mabilis na wika ni Gabriel bago mabilis na lumakad palabas ng bahay na iyon. Sinundan na lamang ni Hazelle nang tingin ang kanyang ninong bago nagpatuloy sa kanyang pagwawalis. Nilapitan siya ni manang Fe. "Bakit parang ang lamig yata ng pakikitungo niyo sa isa't isa?" tanong sa kanya ng matandang kasambahay. Umarko ang kilay ni Hazelle. "Po? Ano ang ibig ninyong sabihin? Paanong malamig?" "Basta! Parang iba. Hindi katulad noong mga nakaraang araw. Ilang araw ko na nga kayong hindi nakikitang kumakai

