Hindi maipaliwanag na kaba ang nararamdaman ni Hazelle habang naglalakad sila patungo sa malaking bahay ng magulang ni Josh. Humigpit ang hawak niya sa kamay ng kaibigan kaya napatingin ito sa kanya. "Kumalma ka lang diyan, girl. Tandaan mo, nasa iyo nakasasalay ang future ko. Kung hindi tayo magtatagumpay sa plano, walang ten million at house and lot. Kaya galingan mo, girl," wika ni Josh sabay hingang malalim. Tumango si Hazelle. "Oo, ibibigay ko ang best ko para magtagumpay tayo dito. Hays, wish ko lang talaga isang araw na matauhan ka. Iyong púday na ang gusto mo, hindi na báyag." Tumawa si Josh sabay iling ng mabilis. "Never mangyayari iyon. Kilala ko na ang sarili ko matagal na. At hinding hindi ako magkakagusto sa pekpék. Ayoko no'n!" Umiling na lamang si Hazelle. Namilog ang ma

