Matapos ipahayag ni Hazelle sa kanyang ina ang tungkol sa kanilang dalawa ni Gabriel, hindi maiwasang makonsensya ni Maritez. Naisip niyang maling mali na binubugaw niya ang anak niya noon. "Napakasama ko talagang magulang sa iyo. Dahil sa ginawa kong pambubugaw sa iyo kay ninong mo, nasasaktan ka ngayon. Patawad, anak... hindi ko alam na ganiyan pala ang dinadala mo. Patawarin mo ako, anak," basag ang boses na sabi ni Maritez. Pinahid ni Hazelle ang kanyang mga luha. "Hayaan niyo po, mama.... nangyari na. At isa pa, ginusto ko rin naman. Pakiusap ko po sana na huwag na huwag niyong sasabi kay ninong ang tungkol sa amin ni Josh. Ginagawa ko po ito para sa pamilya natin. Kapag nakuha ko na po ng buo iyong pera, ipapaayos ko po itong bahay niyo. Tapos puwedeng puwede po kayong pumunta sa b

