Chapter 2

2901 Words
Everything Takes time Chapter 2 Kagaya ng mga nakagawian lagi na lamang siyang nakakatulog sa sobrang pag-iyak. Hindi na rin siya nakakakain, kung dati ayos lang na hindi siya kumain ngayon hindi na pwede, dalawa na sila, kailangan niyang magpalakas para maging healthy din ang baby niya. Kaya kahit masakit ang ulo niya at walang ganang kumain pinilit niyang bumangon para makapagluto. Pagkatapos kumain, naligo siya at hinanda ang first aid kit para sa sugat at pasa niya na galing mismo sa lolo niya. Wala namang ibang gagamot sa sugat niya kundi siya lang. Wala silang katulong o yaya dahil hands on lagi ang mimi niya. Kahit noong nawala ang mga magukang niya, siya na ang halos kumilos para sa mga gawaing bahay. "A-aray!" hiyaw niya ng madampian ng bulak na may alcohol ang sugat niya sa braso. Muli na namang tumulo ang luha niya, hindi dahil sa sakit ng sugat at pasa niya kundi dahil sa awa sa sarili. "Mimi.." Tawag niya sa nanay niya. Naaalala niya twing nasusugatan siya kahit maliit lang yun umiiyak na agad siya pero sabi ng mimi niya, dapat kahit na anung sugat man ang makuha niya dapat di siya iiyak, dahil hindi gumagaling ang isang sugat kahit lumuha pa siya ng kasing dami ng tubig sa dagat. Kaya simula nun, kahit ilang beses siyang nasusugatan hindi siya umiiyak, ginagamot niya ang sarili niya at tinitiis ang lahat ng hapdi. Pero ngayon hindi sugat o pasa ang dahilan ng pag-iyak niya. Umiiyak siya dahil nasasaktan siya, nasasaktan siya sa nangyayari sa buhay niya at nasasaktan din siya dahil nadadamay niya sa paghihirap niya ang taong naging kakampi niya noon. Si Rage. Alam niya kung gaano kamahal ng binata si Maggie. Saksi siya kung paano nabago ni Maggie ang pagiging playboy na si Rage. Simula ng bumalik ito sa Pilipinas nababalitaan niya ang pabago-bago ng girlfriend nito. Kaya nga kahit sirain niya pa ng ilang beses ang date nito sa ibang mga babae, hindi siya nito kinumpronta pero hindi nalingid sa kanya na medyo naiinis na ito sa kanya dahil sa pagiging pakilamera niya. Pero nagbago ang lahat ng makilala nito si Maggie Sue Kim. Isang half filipina half korean. Mabait, mahinhin, matalino at maganda. Kahit pa mayaman ang pamilya nito hindi niya nakikitaan ng pagiging matapobre ang babae. Bagkus napag-alaman niya na tumutulong ito sa isang charity. Charity kung saan maraming mga bata ang pinaampon, inabuso at nabubugbog ng mga magulang ang nakatira dun. Kaya hindi na siya nagtataka kung mahulog ang loob ni Rage sa dalaga, because that girl is one of a kind. Minsan lang makakakilala ng ganun. Ginusto na niyang tumigil nun dahil nakikita niyang wala naman talaga silang pag-asa ni Rage, pero dahil sa pagiging sakim ng lolo niya napipilitan siyang sirain ang dalawa. Nang mabuo ang plano niya, sinadya niyang magpahuli kay Maggie. Nang mahuli sila sa kama na parehong hubad nakita niya kung pano umiyak ng umiyak si Maggie habang pinapalo ang dibdib ng nobyo. Naaawa siya sa dalawa pero wala na, nangyari na ang dapat mangyari. Nang araw na iyon tatlo silang nasasaktan. Si Maggie sa pag-aakalang niloko siya ni Rage. Si Rage naman na pilit nagpapaliwanag kay Maggie pero dahil nasasaktan ang dalaga hindi siya nito magawang pakinggan. At Siya. Siya, dahil para sa makasariling Lolo nagawa niyang saktan ang mga taong wala namang kasalanan sa kanya. Simula nun, mas lalong tumindi ang galit na nararamdaman ni Rage sa kanya. Sa twing lalapit palang siya, animo para siyang may sakit na iniiwasan nito. At ang tingin sa kanya ng ibang mga estudyante. A desperate b*cth. Sa school, taas noo siyang naglalakad sa hallway na parang wala lang sa kanya ang ginawa pero tuwing mag-isa na lamang siya, wala siyang ginawa kundi ang umiyak nalang at paulit-ulit na humihingi ng sorry sa dalawang taong nasaktan niya.At alam niyang habang buhay niyang dadalhin sa dibdib ang ginawa niyang kasalanan. At ngayon nga, may inosenteng anghel ang muli na namang nadamay. "Its not fvking mine!" "Its not fvking mine!" "Its not fvking mine!" Naalala niyang sabi ni Rage. Alam niyang mali ang ginawa niya at alam din naman niyang hindi talaga matatanggap ni Rage ang bata. Ano bang magagawa niya hindi siya mahal nito, he will just support the baby and that's it nothing else. Baka nga kahit sabihin na magkaibigan lang sila ay ayawan pa nito, ang ipakilalang ama pa kaya ng anak niya? -- Halos mag-iisang buwan na rin ng huli niyang balita kay Rage. Nagtanan daw ito kasama si Maggie at iyon na rin ang huling araw na nakita niya ang kanyang lolo. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o hindi pero kahit ganun pa man nag-aalala pa rin siya para rito. Matanda na ito at baka mamaya atakihin ito ng rayuma, kaya gustuhin man niyang tawagan ito, mas pinili na lamang niyang wag nalang pakialaman ito. Hindi na rin siya pumapasok sa school dahil nung huling pasok niya dinugo siya ng husto dahil sa pagod at stress.Nalaman sa University ang ginawang pagtatanan nina Rage and they got the sympathy of all students, sa mata ng mga ito siya ang masama. Kaya kung ano-anong masasakit na salita ang natanggap niya. Dahil buntis siya naging sensitive siya, pinilit niyang wag umiyak kaya marahil habang naglalakad siya papuntang canteen ay nakaramdam siya ng p*******t ng puson. Nang tignan niya ang binti niya halos himatayin siya sa dami ng dugong dumadaloy, mabuti na lamang ay may tumulong pa sa kanya. Pinayuhan siya ng doctor na wag masyadong mag-isip ng kung ano-ano dahil makakasama sa baby lalo pa na hindi malakas ang kapit nito sa kanya. Kaya she decided not to continue her school. Pag nanganak nalang siguro siya tutal isang taon nalang naman. "Good morning baby ko. Kain na tayo a" Naging routine na niya iyon tuwing umaga, ang kausapin ang baby. Her doctor recommends na dapat daw regular na kinakausap niya si baby kahit pa maliit pa ito, iba daw kasi ang connection ng mommy at baby. Kaya habang nagluluto siya kinakausap niya si baby at hanggang sa pagtulog kumakanta siya ng lullaby. And the next day ganun ulit ang gagawin niya. "Ang bait ng baby ni mama ah, hindi ako pinapahirapan" muli niyang kausap rito habang hinihimas ang hindi pa gaanong kalakihang tiyan. Nung mga unang linggo ng pag-iisa niya halos isuka na niya lahat ng lamang loob niya dahil sa tindi ng morning sickness niya. Maging sa madaling araw bigla na lamang siyang nagigising at matatakam sa labanos na isasawsaw sa suka. Pero dahil ayaw niyang i-risk ang kapakanan nilang mag-ina tinitiis na lamang niya ang sarili. Pero matapos nun hindi na naulit muli ang cravings niya. Hindi rin naman siya pihikan sa amoy kaya hindi siya nahihirapan. "Baby, nood tayo ng TV. Ano kayang magandang palabas--“ napatigil ang paglilipat niya ng channel ng makuha ng atensyon niya ang banggaan ng malaking truck at kotse. Ang aksidente ay nangyari kagabi ayon na rin sa nagbabalita. Napahimas siya sa kanyang sinapupunan "Mukhang grabe ang nangyaring aksidente anak, halos mayupi yung bumper ng kotse. Kawawa naman yung driver ng kotse" saad niya habang nakikinig sa balita. Ayon sa balita, mabilis daw ang patakbo ng isang itim na SUV sa isang kalye ng Makalaya St. kaya marahil ay hindi nito napansin ang isang malaking truck na papaliko. Wala rin masyadong poste ng ilaw sa Street na iyon kaya madalas daw talaga ang aksidente sa nasabing area. At ayon pa sa balita, sa ibang kuha ng mga CCTVs mapapansin na may mga itim na kotse ang nakasunod sa itim na SUV bago ito bumangga sa truck. Subalit agad ding nawala ang mga iyon sa huling CCTV. Balak na sana niyang ilipat ang istasyon sa knowledge channel ng bigkasin ng reporter ang dalawang tao na sakay ng SUV. Rage Villamore at Maggie Sue Kim. Nabitawan niya ang hawak na remote at paulit-ulit na nag-echo sa isip niya ang pangalan nina Rage. Kahit iba na ang pinapalabas sa TV, nanatili pa rin ang tingin niya roon ,napabalik siya sa sarili ng tumunog ang cellphone niya sa center table, kinuha niya ito at ganun nalang ang panginginig ng kamay niya ng mabasa ang caller. "H-hello, Lo-lolo?" "Pumunta ka dito sa Medical Doctor Hospital. Room405. A. S. A. P" hindi na siya nakasagot dahil agad na binaba nito ang tawag. --- "Please Papa, hayaan nyo na kaming maging masaya ni Maggie. Please" napahinto sa pagtatangkang pagkatok sa kwarto ng marinig niya ang nagmamakaawang boses ni Rage. Binaba niya ang kamay at sumandal sa pader. Mataman siyang nakikinig sa pag-uusap sa loob. "Son, you already have a responsibility --" "I told you too, Pa, I can't marry her! I don't love her. Si Maggie lang ang babaeng pangarap kong iharap sa altar. I want to spend the rest of my life with the woman I loved, and that is Maggie. We will build a wonderful family and you know that I can't have that if you push me to marry her!" Naiyak siya sa narinig. She knows that Rage is already crying based on his voice. Garalgal na pero pilit na pinapatatag ang boses. "Kahit hindi ko pakasalan si Serenity, I will support the baby--" "Aba hindi naman pupwede yun! Financial support lang? Pano paglumaki ang bata? Wala siyang kikilalaning ama? Tapos malalaman ng lahat na bastardo ang apo ko?! I won't allow that! Ayokong makihati lang ang apo ko, he deserves to have a complete family!" Napatawa siya ng pagak sa narinig na sabi ng kanyang lolo. Kung naging mabuti siguro ang trato nito sa kanya baka naniwala pa siya na concern talaga ito sa kanilang mag-ina, pero hindi, ang concern lang nito ay ang perang makukuha niya oras na makasal sila ni Rage. Sadyang napakahusay nitong umarte, kung hindi mo ito kilala, iisipin mo na isa itong ulirang lolo na ginagawa ang lahat para sa apo, pero hindi. Serenity knows her lolo, from head to toe. Alam niya ang likaw ng bituka nito at kung ano ang laman ng utak nito. Pera. Yun lang ang mahalaga rito, he doesn't care kung makasakit siya ng iba ang mahalaga may pera siya. Pero siya, hindi na niya kaya. Oo nga't mahal niya si Rage, pero hindi sapat iyon para mapasaya ang lalaki-- "Maggie is pregnant, Sir." Sabi ni Rage kasabay ng pagbukas niya ng pinto. Kagaya ng Papa nito at lolo niya, nabigla din siya. "Serenity!" sabay na bigkas ng lolo niya at papa ni Rage ng makita siya, hindi niya alam kung nabigla ba ang mga ito sa pagdating niya o sa sinabi ni Rage, pero hindi na niya pinansin pa iyon dahil ang tingin niya ay nakafocus lamang kay Rage. Hindi niya alam kung san siya nagulat sa pagbukas ng pinto, sa sinabi ba ni Rage na buntis si Maggie? O ang makita itong nakaluhod habang may benda sa ulo at sa kaliwang braso. Everybody knows that Rage is a playboy, isa rin sa kinaiilagan ng ibang mga estudyante dahil kung minsan ay nagiging bayolente ito dahil may pagka-territorial ito sa mga bagay na pag-aari nito. Hindi kailaman ito lumuhod o nagmakaawa sa tao, bagkus baliktad pa ang nangyayari. Pero ngayon, what she saw is a vulnerable side of Rage. He is willing to bend his knees for his freedom. Freedom to love and freedom to choose. Nag-angat ng tingin si Rage and met her eyes. Napahawak siya sa dibdib niya dahil sa pagkirot nun. Looking at his eyes, wala siyang ibang nababasa dun kundi pagmamakaawa. Namumula na rin ang mga mata nito tanda ng pag-iyak ng matagal. "Serenity.. Please.." again he's begging and her heart is aching, hindi niya kayang makita itong ganito. "R-Rage, tumayo ka dyan--" sabi niya at akmang itatayo si Rage pero iwinaksi lamang nito ang kamay niya. "No! If I have to do this for you to let me go then I will! Magmamakaawa ako ng paulit-ulit sayo, Serenity para kay Maggie, para sa anak namin. Handa akong ibaba ang dignidad ko para sa magiging pamilya ko.. If my father disowned me, I will accept kung para sa kanila, gagawin ko lahat. Lahat.. Lahat" "Rage..." "Let's go Vicente, hayaan natin na mag-usap ang dalawa...And Serenity, you know what to do. Isipin mo para sa apo ko iyan and of course for you.. Let's go--" "No need.. Nakapagdesisyon na po ako." she said while looking at Rage. "Ok. Very good, Serenity. Naku Vicente, matutupad na ang gusto ng kaibigan mo, magiging isang pamilya na rin tayo " sabi ng lolo niya at base sa tono ng pananalita nito, excited ito na para bang siya ang ikakasal. "Maybe after this, we need to settle all the---" "Hindi po ako magpapakasal kay Rage." gulat na napaangat ng tingin si Rage sa kanya, nakanganga pa. So cute! Napangiti siya, mukhang si Rage ang mapaglilihian niya, pero hindi maaari, hindi ito sa kanya. She faced her lolo, shocked is visible to his face then naging mabangis. "What did you say?" tanong nito na binigyan diin ang bawat salita. She touched her belly, laking pasalamat niya na nagsuot siya ng medyo may kaluwangan na dress kaya hindi masyadong halata ang medyo maumbok na niyang tiyan. 'I'm sorry baby. Hindi ko na kayang makita pang nahihirapan ang papa mo. I loved him, but I love you more. Hindi kita gustong itago, pero para ito sa lahat. Its for the best ' Piping kausap niya sa kanyang baby. "I'm sorry po. I'm sorry p-po, Mr. Villamore for this mess." napakunot noo ang ginoo. "What are you talking about ija?" tanong nito. "Serenity" rinig niyang sabi ng lolo niya. Isang salita lang pero ramdam niya ang panganib sa boses nito. Nagbabanta, a secret message na siya lang ang nakakaintindi. Pero kung magpapagapi siya sa takot, hindi siya magiging masaya. Its now or never. Huminga siya ng malalim at lumunok para mawala ang bikig sa lalamunan niya then she looked straight to the eyes of Mr. Villamore. "I'm not pregnant" there, she said it, ang sarap sa pakiramdam. Thanks God, hindi siya pumiyok. "What the hell Serenity!" napaatras siya ng bigla siyang ambaan ng lolo niya pero mabuti na lamang alisto ang nga bodyguard ni Mr. Villamore. Mabilis silang nakapasok sa loob at napigilan ang lolo niya. "Bitawan niyo ko!" "Y-your--what?“ napatingin na rin siya kay Rage na nakatayo na rin. Bagamat nalilito, kumikislap naman ang mga mata nito, marahil dahil sa saya? "You heard me, Rage. Ayokong inuulit ang sinasabi ko." 'be brave Serenity, wear your b*tch mask para mapaniwala mo sila sa sinasabi mo.' kundina niya sa sarili. "Pero para mas clear. Oo, hindi ako buntis" "Sh*t! T*ng*n*! Let me go!" sigaw ng lolo niya. Kaya napatingin siya dito na mukhang nabasa naman ni Mr. Villamore na natatakot siyang magsalita. "Send him out of this building and make sure na hindi na makakapasok pa" agad na sumunod ang mga tauhan nito. Paglabas ng kwarto naririnig pa rin niya ang sigaw at pagmumura ng lolo niya but she felt relieved. "Serenity, ija. Pregnancy is not a joke, so please.." "I'm telling the truth Mr. Villamore. Hindi po ako buntis. Yes, Rage and I had s*x, pero walang nabuo." tumingin pa siya deretso sa mga mata ng mag-ama para masabing nagsasabi siya ng totoo. Hindi kumibo ang dalawa pero hinihintay nila ang paliwanag niya. "Plano lang po ang lahat. Plinano po namin ni Lolo dahil.." napatigil siya kung sasabihin niya ang totoo na ang lolo niya ang nagplano ng lahat magtatanong ang mga ito kung bakit. Anong sasabibin niya? Kasi gusto ng lolo niya na magkaroon sila ng access sa company ng mga Villamore? Dahil lulong na sa utang at sugal ang lolo niya kaya kailangan nila ng pera? Hindi pwede! Kahit ganun ang lolo niya, ayaw naman niyang mapahamak ito, baka pagkatapos nito, ipakulong nalang sila dahil kung hindi sa kasinungalingan nila hindi maaaksidente sina Rage! Sh*t! Hindi pwedeng mangyari iyon! ".. G-ginawa lang po namin iyon dahil ayaw lang po ako ni lolo na makitang umiiyak. Na nasasaktan. Alam niya po kung gano ko kamahal si Rage, he just wants me to be happy, kaya nagawa namin yun---" "Rage!" hinatak ni Mr. Villamore palayo kay Serenity ang anak dahil mukhang hindi pa ito kontento sa ginawang pagsampal sa dalaga. Habang tulalang naphawak si Serenity sa kanang pisngi. Pakiramdam niya namanhid ang mukha niya dahil sa ginawang sampal sa kanya ng binata. This is the first time he hurt her physically at hindi niya inaasahan na magiging iyon ang sagot sa kanya ng binata. "You selfish b*tch! I'll kill you!"sigaw ni Rage habang dinuduro siya. 'Selfish b*tch? Tama, isa siyang makasaliri. Dahil sa takot na nararamdaman para sa lolo niya pumayag siyang magpagamit kahit alam niyang masasaktan niya ang mga taong totoong nagmamalasakit at nagmamahal sa kanya. Ang kaibigan ng kanyang mga magulang, ang pamilya Villamore. Ngayon, pagkatapos nito tiyak siyang wala na siyang mapupuntahang iba. Magiging mag-isa na lang siya, ah, hindi kasama nga pala niya ang anak niya. "Alam mo ba kung anong ginawa mo ha? Dahil sa kasinungalingan mo, dahil sa pagiging makasarili mo, muntik ng mawala sa akin ang mag-ina ko?!" "I'm s-sorry, I didn't mean it. Sobrang M-mahal lang kita kaya ko nagawa yun. I'm so sorry" humahagulhol na sabi niya. "Yang sorry mo na yan hindi nyan mababalik ang oras! Be thankful that I didn't lose my son, dahil kung hindi sila naligtas, magtago ka na, because if I got you, I'm going to kill you, you m*th*r f*ck*r! Get out! I don't want to see your fvcking face here! Get out!" agad siyang tumakbo sa pinto para buksan iyon pero bago siya makalabas narinig niya ang huling sinabi nito. "I regret the day I met you!" He said that makes her heart broke into pieces. --- Sorry po sa typos, sa cellphone lang po ako nagtatype...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD