Chapter 7: moments with love

3062 Words
Liwanag na nag mumula sa malaking bintana ng kwarto ang namulatan ko ng ako ay nagising. Nakita kong nag susuot ng polo si Haris na nuon ay naka upo sa gilid ng kama. Naging mahimbing ang tulog ko,yun ay dahil napagod kami pareho sa party kagabi kaya matapos nyang gamutin ang sugat ko sa paa naka tulog nako. Binalinan nya ako ng tingin nang mapansing ggising na ako. "rise and shine my Love.     Nakangiti nyang sabi. Napangiti ako sa napakagandang bati nya sakin. "magandang umaga, sagot ko na nuon ay tila walang planong bumangon. Tumayo na si Haris matapos ayusin ang boots na suot nya. " hindtayin kita sa baba. Sabinya saka ako tinaniman ng halik sa pisngi atsaka umalis. Nakita ko ang puting longsleeve at denim pants na naka patong sa dulo ng kama. Nasa sahig naman ang brown boots. Pagkatapos kong mag ayos at mag bihis agad akong bumaba. "My Lady. Nasa labas napo si Prinse Haris.     Salubong sakin ni Lily. "a-sige Lily salamat.      Dumertso ako ng lakad papunta sa labas ng palasyo. Bago pako makarating roon ay naririnig kona ang ingay na ginagawa ng kabayo. At dinga ako nag kamali. Naroon si Haris at dalawang lalaki na hindi ko kilala. Halos lumukso sa tuwa ang puso ko ng makita ko ang makikisig na kabayo, isang brown at isang kulay puting kabayo.  Meron din kaming alagang kabayo sa bukid namin nung naroon pako kasama ang aking pamilya. Kaya may alam na ako sa pag sakay rito. "pano? Handa kana ba?     Nakangiting tanong ng aking prinsepe. Na ngingiti akong tumango sa kanya. Inalalayan nya akong sumakay sa kabayo bago sya sumakay sa brown na kabayo. " maraming salamat Rod.  Sabi ni Haris sa isang lalaki na naroon.   Saka sya naunang pinatakbo ang kabayo at sumunod lang ako sa kany. Noon ko lang na realize na napaka laki pala ng paligid ng palasyo. Hindi kami gaanong lumayo pero busog ns busog ang mga mata ko sa napaka gandang tanawin. Huminto si Haris ng marating namin ang isang napaka laking puno  at saka nya ako tinulungang maka baba ng kayong sinasakyan ko. Humugot ako ng napaka lalim na pag hinga at dinama ang napaka preskong simoy ng hangin mula sa malawak na lupain. "ang ganda naman dito.    Nakangisi kong sabi, Napatingin ako kay Haris na nuon ay naka tanaw din sa malayo. "gusto  mo ba dito?      Nakangiti nyang tanong sakin. Umupo saya sa malalaking ugat ng puno na iyon  at naka tingala sa akin na naka tayo sa tabi nya. "Oo naman. Presko ang hangin at napaka ganda ng paligid. - sobrang tahimik.   Sagot ko. Hinawakan nya ang kamay ko. "Halika umupo ka dito.     Pinaupo nya ako sa kandungan nya. Damang dama ko ang init ng kanyang katawan, at ang amoy na nanggagaling sa kanyang suot na damit. Gustong gusto ko iyon. "madalas din tayo rito noon.        Sabi nya. Nanatili akong naka tingin sa kanya, gusto kong makita angekspresyon na ginagawa ng mukha habang nag sasalita sya. "kwentuhan mopa ako tungkol sa nakaraan natin. Sabi ko habang naka titig sa kanya. "ahmp. Ano paba? - maliban sa lugar na ito meron din tayong ilog na pinupuntahan noon. - naalala kopa na gustong gusto mo ang mga bulak lak sa garden ng palasyo kaya lagi kang namimitas dun at nilalagay sa kwarto natin. Pag kekwento nya. "ganon? Sayang dahil diko na alala lahat ng yan. Iilang ala ala lang ang bumalik sa akin,    Napa tingin sya sakin ng bahagyang humina ang aking boses. Sana ay naaalala ko rin ang mga ganitong pagkakataon na mag kasama kami. Niyakap nya ako ng mahigpit. At naramdaman ko ang kanyang bawat paghinga sa aking leeg. "pwede naman nating palitan ng mga bagong memories ang lahat nga yan. -napaka rami pa nating oras para gawin yan.       Mahina nyang bulong. Saglit nya akong pinakawalan sa mga bisig nya at tumitig sakin. Naramdaman ko nalang ang mainit nyang labi. Marahin ang bawat pag dampi nito sa aking labi. Muling nabuhay ang t***k dito sa aking dibdib Hangang sa namalayan ko nalang na tumutugo ako bawat kilos na ginagawa ng labi nya. Asawa ko sya at walang dahilan para pigilan ko ang sarili ko. Gusto ko ang bawat pag kilos na ginagawa nya.  Ang boses nya, ang kanyang mukha, tindig maging ang amoy nya ay gustong gusto ko.  Pakiramdam ko ay nalalasing ako sa bawat pag halik na ginagawa nya sa akin, dahilan para sumabay ako sa pangyayari. Matapos ang mapusok na halik na iyon, pinakawalan nya ako at muli akong pinag masdan,pakiramdam ko ay namula ako ng sandaling iyon. Nakita kong napa ngiti sya. Saka ibinaba ang mga labi sa aking tainga. "mahal kita.        Halos madoble ang pintig ng puso ko ng marinig konang bulong nyang iyon. "sobra. Wag kang mawawala sakin.      Dagadag panya. Halos manlambotbang buo kong katawan ng taniman nya ng mumunting mga halik ang aking pisngi. Muli nya akong niyakap ng pagka higpit at tumugon ako sa yakap na iyon. Gusto ko ang pakiramdam na nag hahari sa aking pagkatao ng mga oras na iyon .Mapag ubaya at kayang tanggapin ang lahat ng swnsasyon ng oras na iyon. Napangiti ako. Habang yakap kosya. Ni sa guni guni hindi ko naisip na makakatagpo akonng lalaking mag sasabi sakin ng mga ganoong salita. Habang nasa nagnoong posisyon kami, natanay ko ang isang bagay sa di kalayuan . "ano yun?    Mahina kong tanong. Naramdaman ko ang pag kalas nya sa pagkakayakap sa akin.  Hinanap ng kanyang mga mata ang bagay na nakita konsa di kalayuan. "ah. Yun ba? - isa yung libinga. Sabi nya. Habang naka tanaw. Napa balin ako ng tingin sa kanya marahil. " libingan iyon ng taong malapit sa aking puso.     Nakanhmgiti nyang sabi. " magulang mo ba ang naka libing dun?     Maang kong tanong. Nakita ko ang oag lalaho ng ngiti sa kanyang labi. " mabuti pa bumalik na tayo sa palasyo.     Pag iwas nya sa tanong ko. Tumayo nasya at inalalayan akonsa pag tayo.  Lumakad nasya palapit sa  kabayongbsinakyan ko kanina.    May pag tataka sa isip konpero hindi nako nag tanong pa. Nang makarating kami sa palasyo ay natanaw ko si Pia na nag aabang sa aming oag dating. Kumaway pa ito sa amin. Sa tanstya ko ay mas matanda ako sa kanya, napaka hinhin nya at mabait ang pakikitungo kahitbsa mga taga pag silbi. Isa syang larawan ng perpektong prinsesa. "mabuti nakabalik na kayo.     Sabi nito.   "anong meron?     Maang na tanong ni Haris. "hihiramin ko ang asawa mo ngayong araw - pwede?    Sagot nito kay Haris. Ngumiti ito sakin. Mabait si Pia pero nakakailang talaga syang kasama.  Kaya nung sinabi nyang isasama nya ako sa kung saan medyo nag alangan ako, pero pumayag na si Haris kaya wala nakong nagawa at saka mas mahihiya akong tumangi. Napa buntong hininga ako habang palayo ang itim na sasakyan,  Mag katabi kami ni Pia sa back seat. "ngayon kalang makaka layo sa palsyo tama?    Napalingon ako sa kanya ng mag salita sya. "ah. Oo     Maiksi kong sagot. "san ba tayo pupunta?       Dagdag ko agad. "pupunta tayo sa present world.     Nakangisi nyang sabi.  Napatingin ako sa kanya , hindi ko iyon inaasahan.  " mag shoshoping tayo, saka mag go-grocery narin.     Sabi nya na mababakasan ng pag ka excite. Nang makarating kami sa hangnan may natanaw akong nag liliwanag na parang salamin na nakaharang sa daan. "oh...teka anong- Akala ko ay mababangga kami sa napaka laking salamin na iyon pero tumagos lang kami dun at nung oras na nakatawid na kami, nag bago ang model ng sasakyan, tila bagong bago ito at latest model iyon. Maging ang suot namin ay nag bago.  Sa idang iglap nag iba nag style ng mga damit namin. Nginitian lang ako ni Pia ng makita nya ang reaksyon ko. Huminto ang sasakyan sa malaking mall, "balikan mo kami after 5 hours. Sabi ni Pia sa driver bago kami bumaba.   "totoo ba ito?  Narito na ako sa present world kungvsaan ako nanggaling? Ang ingay ng mga sasakyan, ang mausokbna hangin  at mga nag lalakihang building. Na miss ko ang lahat ng ito. "tara!   Aya ni Pia sakin. Nauna nasya.  May dalawang lalaki na  nakasunod sa mga body guard iyon. Tulak tulak nya ang isang cart at meron din ako. Lahat ng kaylangan sa bathroom, shampoo at mga sabon, mga kaylangan sa kusina  Gaya ng mga condiments,  alam ni Pia ang lahat ng dadamputin at ilalagay sa cart na tinutulak namin, Wala pang isang oras ay halos mapuno na ang pareho naming cart. Mga bodyguard ang nag dala ng mga pinamili namin. Pagkatapos ay nag punta kami sa departmeng store . "wow!!! Ang ganda ng mga bagong design ng mga dress ngayon. - Kristell mamili kalang ng gusto mo dyan ha, pupunta lang ako sa banda roon.      Na eexcite nyang sabi, tumango nalang ako. May mga ilang dress din akong nagustuhan at kinuha.  Nung makarating ako sa Men section nakita ko ang mga Polo at mga shirt na naroon. Naalala ko bigla si Haris. "bagay sa kanya ang mga ganitong damit. Lihim akong napangiti. "bagay sa kanya ang isang yon.       Pilit kong inabot ang isang Polo shirt na nakitako. Nasa itaas iyon naka hunger, Tumingin akonsa paligid,baka sakaling may sales lady ang pwedeng mag assist sa akin pero walang naroon kaya  Tumingkayad ako ng todo para maabot ko pero,hindi talaga ako pinalad sa hight. Nasa ganoong eksena ako bg may kung sinong sumulpot sa likuran ko at inabot iyon. Matangkad sya at amoy na amoy ko ang pabado na nagmumula sa suot nyang polo shirt. "heto!   Nang makuha nya ang polo agad nyang inabot sakin. Sya si Prince Leonard.naka white long sleeve sya at naka black pants. Ang buhok nya naka ayos iyon paitaas na tila inayos ng hair stylist. "I-kaw ba si... Nakaturo ang daliri ko sa kanya ng mag salita sya. "uhmp. Oo ako nga. Naalala mo?     Nakangiti nyang sabi sakin. "sinong kasama mo?      Iginala nya ang mga mata nya sa paligid. Kung hindi ko lang asawa si Prince Haris malamang na ma iinlove akonsa lalaking ito. Napaka kisig nyang tingnan. Maputi ang kutis nya at matangos ang ilong, lagi rin syang naka ngiti. "Kasama ko si Pia.    Sabi ko. "ah. Kasama mo pala sya.      Sambit nya saka napa tingin sa hawak kong polo. "para ba yan kay Haris? - uhmp. Ang sweet mo naman. Naiinggit tuloy ako. " sana all!  Nakangisi nitong sabi.   kung makipag usap sya sakin parang komportableng komportable sya. "may oras kapa ba?  - gusto mo ng drinks?  Milk tea? Magkasunod nitong tanong. Tingin ko naman ay matatagalan pa sin Pia kaya sumama nalang ako  Sa kabilang store lang naman ang Milk tea house na pinuntahan namin ni Prince Leonard. "so- kelan ka nakabalik ng palasyo?      Tanong nya habang nilalaro ng straw ang milk  tea na nasa mesa. " may tatlong taon narin,      "talaga? Matagal narin pala. - kamusta? Maayos naman ba ang lahat sa palasyo?     Sabi pa nya.   Habang nag uusap kami, napansin kong naging seryoso ang itsura nya. Hindi ako sigurado pero pakiramdam ko ang lalaking ito hindi ma pagkakatowalaan. "ah- ayos lang naman.  -wala namang problema,     Sagot ko nalang. "marahil na pansin nyang nag tataka ako sa mga tanong nya. " ah. Natanong kolang, bihira na kase ako makadalaw Pero dont worry, magiging mas madalas ang pag kikita natin.      Naka ngiti nyang sabi.  Inginuso nya si Pia na nasa kabilang department store. "hinahanap kana nya.      Sabi nya. Tumayo na ako. "sige ha. Salamat nga pala sa milk tea. Ngumiti lang sya saka ako umalis para puntahan si Pia na naroon sa exit ng department store dala ang napaka raming paper bag ng mga pinamili nyang damit at sapatos. Madilim na ng lumabas kami sa mall na iyon. Habang nasa byahe  ay nag tanong ako tungkol kay Prince Leonard. At binangit ko narin na nag kita kami kanina sa mall. Nakita ko ang pag babago ng itsura nya. " Nag kita pala kayo. - wag mo nalang babanggitin kay Haris.       Sabi nya. " alam mo kase Kristell dati silang mag kaybigan ni noon ni Haris. -pero dati yun. Kaya baka magka problema ka lang kapag binanggit mo pa kay Haris ang pagkikita nyo ni  Prince Leonard  Paliwanag nya. Dahil tuloy sa sinabi nya naintriga ako.  Gusto kong malaman kung anong nangyari,kung baket hindi na sila magkaybigan. Ibinagsak ko ang buong bigat konsa kama ng maka balik kami sa palasyo. Nakakapagod ang mamili kahit pa nag enjoy ako. Nakahilata ako sa kama ng biglang sumulpot si Haris sa karap ng kama. "Ohy!     Sambit ko at napabangon sa sobrang gulat. "sorry!  Nakangising sabi agad nito.  Ewan koba hindi na ata ako masasanay sa pag teteleport nya, mag lalaho at bigla nalang susulpot sa harapan ko. " Prince Haris naman. Pwede bang humingi ng favor? - pwede iwasan mong gumamit ng kapangyarihan, magic? O kung ano manyan.. "baka kase atakihin ako sa puso e. Ipinatongbnya ang kamy nya sa ulo ko.. "okay, sige. Sabi mo e. Naupo sya sa isang sofa na naroon sa kwarto. " nag enjoy kaba sa deyt nyo ni Pia?    Tanong nya. "ah. Oo medyo nakakpagod lang. "hayaan mo sa susunod tayong dalawa naman ang mag de-deyt.     Pilyo syang ngumiti. Napa ngisi ako sa sinabi nya. Maya maya pa ay kumatok si Lily. Dala nya ang isang makapal na mga blankong papel at ilang mga panulat. " pinabili ko yan kay Pia.     Kinuha iyon ni Haris at inabot sakin. Halos mabitawan ko na iyon sa sahig sa sobrang bigat. "baket mo binibigay saken? Ano naman ang gagawin ko rito? Nag tataka kong sabi. " ahmm.    Tila nag isip sya. Diba na banggit kona sayo to? - kaylangan ko ang tulong mo Kristell. Suryoso ang tono ng boses nya . " isulat mo lang kung anong mga nangyayari dito sa paligid mo, Lahat ng kaganapan dito sa palasyo. Lahat yun isulat mo . Sabi nya saka tumayo at akmang lalabas nasya ng pinto ng mapahinto sya. "nga pala,  isulat molang kung anong mga nangyayari Wag mong dadagdagan o babawasan at lalong wag mong babaguhin.     Makahulugan nyang sabi saka ngumiti bago tuluyang lumabas ng pinto. Napabalin ako ng tingin sa gabundok na papel. " ano naman ang isusulat ko? - hindi nga ako marunong mag sulat.  Bulong ko. Pero dahil yun ang sinabi nya susundin ko nalang. Nung gabing iyon sinubukan kong mag sulat. Hindi ako nakapag aral kaya alam kong hindi ako marunong mag sulat at lalong hindi ako marunong mag basa. Pero tungin ko nag kamali lang ako. Nung oras na hawak kona ang panulat parang tila may sumanib sakin at diko na namalayang marami na pala akong naisulat. Sinulat ko ang lahat ng pangyayari mula nung unang dumating ako rito sa palasyo hangang sa mga oras na ito. Walang labis at walang kulang gaya ng sinabi ni Haris. Samantala... Haris PoV Ngayon ang araw kung kelan mag uumpisa na ang lahat. Oo nga pala nag umpisa ito tatlong taon na ang nakalipas mula nung dumating si Kristell sa palasyo. Nanirahan si Dave ng mga ilang buwan sa Present world para sa isang misyon. Ipinahanap ko sa kanya si Kristell.  Ang babaeng may pareng mukha, mukha ng dati kong asawa. Bago bawian ng buhay ang asawa ko nuon ipinangakonnya sakin na babalik sya at ipagbpapatuloy ang pag susulat tungkol sa aming kaharian.  Kaylangan may tumapos sa naumpisahan nya. Nangsa ganon ay matapos na ang lahat ng ito. Inaasahan kona ang lahat ng mangyayari sa mga susunod na araw, dahil minsan na itong nangyari mauulit lang ito ng mauulit gaya ng nangyari sa narakaraan. Sana sa pag kakataong ito ay matapos na.  Dito nalang ako mag papalipas ng gabi sa study room para mabigyan ko ng oras si Kristell sa pag susulat nya  Nakapikit nako habang naka upo sa sofa.   Hindi ko inaasahan ang pag bisita nyang ito. "anong kaylangan mo?     Tanong ko. Hindi ako nag abalang tapunan sya ng tingin o umayos manlang ako ng upo. Wala akong balak na mag abala nanatili lang akong nakapikit. "kagaya ka parin ng dati.  Napaka bastos mo parin. Hindi ka manlang marunong bumati sa bisita. Mariing sabi ng lalaking naka tayo sa madilim na parte ng study room. "wala akong oras para makipag usap sayo. Sabihin mo ang kaylangan mo at  Umalis ka habang nakakapag pigil pako.        Sabi ko na kalmado parin sa mga iras na iyon. Narinig ko ang ilang hakbang nya. "gusto ko lang malaman mo. - gaya ng dati aagawin ko sya sayo at sa pag kakataong ito  Makukuha ko sya. Sabi nya. Nag mulat ako ng mga mata at umupo ng diretso. "pinag babantaan moko sa sarili kong kaharian  -nakakatawa ka talaga. Mariin kong sagot. "hindi iyon pag babanta. -isa iyong pangako.          Kaybigan! Pagkasabiy ay nag laho nalang sya sa hanagin. Si Leonard. Pangahas syang talaga. Nag ngingi-ngitngit sa galit ang mga ugat ko sa tuwing nagkakaharap kami gusto ko syang durugin gamit ang mga kamay ko. Pero hindi ko magawa. Mali- hindi ko pwedeng gawin. Dapat ay mangyari ang dapat mangyari at hindi pwedeng mabago. Hangat kaya kong mag pigil. Mag pipigil ako. Alas dos na ng madaling araw ng mag pasya akong bumalik sa kwarto namin ni Kristell. Nakatulog nasya habang nag susulat sa mesa. Dahan dahan kosyang binuhat at inilipat sa kama. Pakiusap Kristell, sayo nakasalalay ang lahat. Sa isip ko habang nakatingin sa mahimbing nyang pag tulog. Kristell PoV Si Pia.  Nasa ere sya sa pader ng isang silid , may kamay na nakasakal sa kanyang leeg. Nag pupumiglas ang kanyang mga paa. Madilim ang paligid. Walang makarinig sa mahina nyang tinig na humuhingi ng tulong. Nararamdaman ko ang malamig na pawis na lumalabas sa aking katawan habang natutulog. " wag! Wag mo syang patayin. -Pia!!!! Nagisung ako sa sarili kong sigaw kasabay ang pag bangon kobsa kama. Nag hahabol ako ng hininga. Parang totoo. Nakakatakot ang panagip kong ito. " Kristell baket? -nanaginip kaba ng masama?  Tanong ni Haris na nagising dahil sa ingay na ginawa ko. "ha?  Ah oo sobrang sama ng panaginip ko.     Sagot ko. Hinila ni Haris ang braso ko para mapabalikbakonsa pag higa. Kinulong nya ako sa mga bisig nya. "panaginip lang yun. Nandito lang ako sa tabi mo. -walang mangyayaring masama. Pabulong nyang sabi. Ipinikit kona muli ang aking mga mata para bumalik sa pag tulog. Nang mga oras na iyon umaagos sa mga mata ni Haris ang mga luha.  Wala akong ka alam alam na ang panaginip ko, nakatakdang mangyari sa araw na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD