CHAPTER 3

2444 Words
3 Kabado ako nang sumapit ang araw ng klase. Unang beses kong mag-aaral sa campus na wala akong kilala maski isa. Sa old schools ko kasi ay may mga kakilala naman ako na old classmate at mga naging kaibigan din. Unang klase pa lang pero kailangan na agad mag-uniform. Hindi ako komportable sa unifom dahil hanggang itaas ng tuhod ang haba ng palda, kailangan pang mag-high knee socks at black shoes. Masyadong strikto ang school. Pati nga kulay ng buhok ay dapat itim lang. Hindi rin puwede ang piercing at make-up. "Bakit hindi kita nakita kagabi diyan sa canteen, iha?" sabi ng landlady nang madaanan ko siya. Tumango ako bilang pagbati. "M-mamaya ho siguro ako kakain do'n." "Osige. Masarap naman ang mga ulam do'n. May gulay at meryenda din silang tinda kung gusto mo." Ngumiti lang ako sa kanya at lumabas na. Tahimik lang akong naglakad papunta ng campus. Kaunti lang ang taong nasa labas at halos kita pa ang hamog sa daan. Naiyakap ko ang mga braso sa sarili dahil sa pagyakap ng lamig sa akin. May mga nakikita rin akong kagaya kong estudyante na naglalakad. Halos malula ako sa ganda ng campus. Malawak ang daan papasok sa gate. Sa gilid ay mayroong basket ball court. Mahaba ang daan papunta sa main building. Halos hingalin ako sa sobrang layo no'n. Pagdating sa main building ay tumambad sa paningin ko ang napakaraming estudyante na naglalakad. Sinundan ko lang dahil baka may meeting pa muna bago magsipunta sa klase. Nakarating ako sa gymnasium kakasunod sa kanila. Pagdating doon ay marami ng tao at halos magsiksikan na sila. Kaya pala maraming pumunta rito. Mayroon kasing banda na tumutugtog. Hindi ko lang makita dahil matatangkad ang nasa harap ko at malayo rin ang stage mula sa kinatatayuan ko. Napabuntong hininga na lang ako at hinayaang maaliw ang sarili sandali. [Now Playing: Legends Never Die by: Pentakill] Legends never die When the world is calling you Can you hear them screaming out your name? Maganda ang timbre ng boses nung babae. Malamig na medyo husky iyon pakinggan. Tumingkayad ako para mas lalo ko iyong matingnan. May isa ngang babae sa gitna, katabi ang isa pang lalaki. Halos matabunan na ng sigawan ang boses nila kaya hindi ko na pinatapos iyong kanta at lumabas na agad ako. Mas lalong sumisikip ang lugar dahil sa dami ng taong pumapasok. Naghanap na lang ako ng puwedeng puntahan. 9:00 pa ang start ng klase at 8:03 pa lang ngayon pagtingin ko sa malaking tower na may orasan sa tuktok. Nag-ikot ikot lang ako sa labas dahil hindi naman maaraw. Naglibot pa ako sa malalapit lang na lugar para hindi na ako tumakbo kung sakaling tumunog ang bell. May garden malapit dito, ang park naman ay nasa bandang unahan lang malapit sa gate pero dahil medyo litaw na ang sikat ng araw kaya nagpasya na lang muna akong maupo sa isang kalat na bench. May umupo sa tabi kong isang babae. Hindi ko man siya tignan ay alam kong lumingon siya sa akin. Hindi naman kasi ako basta basta humaharap o nakikipag-eye to eye sa isang tao hangga't hindi ako sure kung ako ba ang kausap. "Bago ka lang dito?" tanong niya kaya lumingon na ako sa kanya. Tumango ako. "Ikaw? Ngumiti muna siya tapos ay tumango na rin. "Hulaan ko. Scholar ka rin 'no?" sabi niya. Madali lang naman hulaan iyon. Sabi nga nila, kahit ilagay mo ang isda sa dagat na puno ng hipon ay malalaman mo pa ring isda siya. Char lang. Gawa gawa ko lang iyan pero diba, it make sense? Na nase-sense mo iyong kauri mo by just observing them. "Ikaw din?" tanong ko na itinuro pa siya. Tumango siya. "Actually sponsor lang. Hirap kasi mag-apply sa Humilde, e. Ikaw ba doon ka nag-apply?" "Sponsor lang din." Nag-usap pa kami saglit bago siya umalis. Medyo nakahinga ako nang maluwag kahit saglit lang kami nag-usap ni Janel. STEM ang strand niya. Hindi ko naman siguro obligasyon na kuwentuhan din siya dahil lang nagkuwento siya sa 'kin diba? At least pinakita ko sa kanyang interesado at nakikinig ako sa kanya. Marami nang nagsisibalikan sa main building ng pumunta ako ro'n. Pag-akyat ko sa second floor ay tumambad ang signs sa pader. Ang left wing ay para sa student ng ABM, STEM at iba pa. Sa right wing naman ang HUMSS at GAS. May community area din bawat wing at dalawang water dispenser. Glass wall ang dingding kaya kita ang view sa labas. Mayroong nag-iisang pintuan sa gitna, tabi lang ng mga tables at chairs dito sa community area. Wala namang nakalagay na karatula kaya akala ko CR iyon at pumasok ako. "HAHAHAHAH—" natigil sa tawanan ang mga tao sa loob ng makita akong pumasok. Naestatwa ako sa kinatatayuan. Hindi pala CR 'to! "Hey! You're the girl near the paresan right?" sabi ng babae na nagbalik ng wallet ko habang nakaturo sa akin. Nakilala ko siya dahil suot nanaman niya ang cute na pink hairband niya. "Sino 'yan? Sino 'yan? Sino 'yan?" Rinig ko ang boses ng isang lalaki na mukhang nagmamadaling lumapit sa puwesto namin. "Chicks ba 'ya— Oh! You're my supposed to be date, right?" Gusto kong umirap nang makita si Dominic na parang manghang mangha habang pinagmamasdan ang kabuuan ko. "So... you're studying here huh?" Yumuko ako sa kanila bilang paghingi ng tawad sa pagpasok sa room nila nang walang permiso. On my defense, hindi ko naman alam na may kakaibang room pala rito na mukhang bahay! Hindi ko na hinintay pang mag-react sila at agad na akong tumalikod. Bubuksan ko na sana iyong pinto kaso lang ay bigla naman akong binuwisit ni Dominic. "Hey! Diba ikaw iyong nagtapon ng wine sa ulo ni Vlad?" Mariin kong pinikit ang mata at humugot ng malalim na hangin. Buti na lang "What?!" "The f**k bro? Seriously?" "She has the guts, huh?" Hindi ko na sila pinansin at mabilis na akong umalis do'n. Hindi naman ako takot ma-bully— kung sakali mang may balak sila. Mas takot akong bumagsak at hindi makapagtapos sa school na 'to. Aba! Dream come true na ang makapasok dito. Isa kang malaking tanga kung sasayangin mo pa 'yon. Marami rami na rin ang estudyante nang makarating ako sa classroom namin. May ilan akong nakitang nagkukumpulan na habang ang ilan ay tahimik lang na nakaupo at hindi mapirmi ang mga mata kakatingin sa kung saan. May isang babaeng nakasalamin ang napatingin sa akin kaya nginitian at tinanguan ko lang siya. Pinili ko ang dulong puwesto dahil wala pang nakaupo ro'n. Wala pa atang sampung minuto nang makarinig ako ng tawanan mula sa labas. Hindi ko iyon tinanaw dahil abala ako sa pagtingin kung may dumi ba ang lamesa ko. Namalayan ko nalang na may tumabi sa akin. Doon ako nag-angat ng tingin at nakita si Dominic kasama ang cute na babaeng may pink hairband. They're both smiling. It creeps me out tuloy dahil biglang pumasok sa isip ko ang mga horror scene kung saan tinatapat sa mukha ng tao ang flashlight tapos nakangiti sila ng nakakatakot. "Is it okay if we're gonna sit here?" Tumango ako kahit labag talaga sa loob ko na paupuin sila. Kanina lang ay nasaksihan nila ang katangahan ko. Paano kung nandito lang sila para kumalap ng chismis tungkol sa ginawa ko sa naka-date ko— na Vlad pala ang pangalan. Lalo na 'tong si Dominic na halos sumama na sa amin last time para lang kulitin ako. "My name is Vladia. I heard your name is Earth," ngumiti siya. "Nice name you got there, huh?" sabi niya. Ang sarap pakinggan ng boses niya dahil sa pagiging malambing at mahinhin nito. Para siyang bata na naligaw sa Senior High building dahil medyo may kaliitan din siya. "Hindi ko na kailangan magpakilala sa'yo ha? We already know the names of each other." Si Dominic na umupo sa kabilang gilid ko. Pansin kong tumahimik ang buong classroom at lahat sila ay nakatutok ang mata sa dalawang katabi ko na akala mo ay mga artista. "Hindi pa pala ako nakakapag-sorry sa ginawa kong pandi-ditch sa'yo," si Dominic. "I mean, unplanned naman 'yon at sisiputin talaga kita pero..." Tumuro siya sa hangin. "Hindi ko alam kung anong topak ni Vlad at sinabing siya nalang daw ang sisipot." Huminga lang ako ng malalim at hindi siya sinagot. Hindi naman big deal sa akin iyon. Sumipot man siya o hindi, hindi pa rin ako mag-eenjoy sa date dahil gaya ng ginawa ko kay Vlad ay tatapunan ko lang din siya ng kung ano-ano para ma-turn off siya. Nagulat ako nang hawakan ni Vladia ang braso ko. "Pero ano. Make kuwento naman kung paano and why mo tinapunan si kuya ng wine? and what was his reaction?" pang-uusisa niya. Kumunot ang noo ko. "Kuya?" "Yes. Actually we're twins. Hindi ba halata?" sabi niya tapos ay tatlong beses kumurap. Nagpapacute kahit cute naman na talaga siya. "H-hindi ko na kasi matandaan mukha niya." sabi ko dahil hindi ko naman talaga masyadong pinansin iyong hitsura ni Vlad nang nagkita kame. Nakakainis na nga ang magaspang niyang ugali, mas nakakainis pa na malaman na itong magandang babae sa tabi ko ay kapatid niya. Buti hindi siya kinakahiya ng kapatid niya sa kagaspangan ng ugali niya. Iwinasiwas niya ang kamay. "Nevermind nalang. Let's be friends ha? I don't have any friends kasi here." "Wow! Parang hindi mo kami friends ha? Ano kami dito hangin?" si Dominic. Nag-pout siya tapos tumingin kay Dominic. "That's not what I mean, Nate," sabi niya tapos ay bumaling ulit sa akin. "What I mean is... having my own friend. Like a friend that I will call mine. Friends ko lang naman kayo because they're friends with my kuya and also because we're in the same status." dugtong niya at kumapit pa sa braso ko. "Let's be friends ha? Okay? Hmm?" Inalis ko ang kamay niya sa braso ko at tinitigan siyang mabuti. Pati si Dominic ay tinignan ko rin dahil pansin kong iba ang uniform nila sa amin. OA na niyakap ni Dominic ang sarili na akala mo'y may masama akong balak sa katawan niya. "Huwag po. Bata pa ako!" sabi niya. Pinagkunutan ko lang siya ng noo bago iniwas ang mata at tumingin sa harap. "What is it, Earthy?" tanong ni Vladia na mukhang bothered sa naging reaction ko kanina. "Are you thinking something ba?" "Naiisip niya ata kung gaano ako kamacho kaya siya na-speechless." sabi ni Dominic. Napangiwi ako. Nagtawanan lang silang dalawa. "Bakit iba iyong uniform niyo sa'min?" tanong ko. Parehas silang may brown coat na may logo ng lion— logo ng St. Grunt. Itim ang medyas ni Vladia at imbis na hanggang tuhod na short ang sa lalaki ay pants ang suot ni Dominic. Nagkatinginan silang dalawa at sabay na umangat ang dalawang kilay nila. "Wait, before I answer that. Let me ask you a question first," sabi ni Vladia. "Are you a new money?" Nagsalubong ang kilay ko. "Ano iyon?" "She's a scholar, Vladia. She doesn't know the hierarchy here." Hierarchy? Ibig bang sabihin may ranking ang status ng mga tao rito? "Meron kasi ritong tinatawag na Elites. Sila iyong mga anak ng stock holders or board members ng school. Kami nila Vladia, isa kami sa mga 'yon." sabi niya. Hindi ako sumagot. Kung may tinatawag na Elites. Edi ang antas naming mga scholar ay hampas lupa? Aalipinin ba nila kami rito dahil sila ang nasa pinakamataas? "Iyong napasukan mo kanina na room. Headquarters namin iyon. Iba pa 'yon sa Cazelle. That's one of the privilege na matatamasa mo once you become one of the Elites." Tumango nalang ako at nagkunwaring interisado kahit ang totoo ay wala naman akong pake sa sinasabi nilang Elites. As long as hindi ako nadadamay sa ganyan, hindi ko pinake-kelaman kung ano mang trip ng iba. Tumahimik din silang dalawa dahil may dumating ng teacher. Nang magsecond subject ay walang pumasok hanggang ika-third subject kaya isinama ako ni Vladia sa labas. Nilibot niya ako sa buong campus. Mayroong swimming hall, sports building, library, meeting halls at coffee shop sa loob ng campus. May gate na naghihiwalay sa College campus at sa amin. Sa gilid ng gate na 'yon ay mayroon pang isang gate. Makapal ang gate na iyon at hindi nakikita ang view sa kabila. May guard house na nag-gigitna sa dalawang gate na iyon. "Can you come with me inside?" Napatingin ako kay Vladia nang lumapit siya ro'n sa guard house. Binati siya ng guard at may inabot na card na may nakalawit na susi. "Hey, let's go?" sabi niya. Hindi na ako naka-angal nang hilain niya ako. Sumakay kami sa isang golf cart na siya ang nagdrive. Malawak pala ang lugar dito. Parang hindi na school. Mukha siyang rancho. There's a golf course on the right side habang ang nasa left naman ay akala ko simpleng damuhan lang. Nang umandar pa kami kaunti ay nakita ko ang dalawang puting kabayo na pinapakain. I saw a stable near, too. Typical hobby of rich people, I guess? Nakarating kami sa isang Colonial Home. Sabi ni Vladia iyon daw ang Cazelle. Dito raw tumatambay o natutulog ang mga Elites kung kailan nila gustuhin— Inshort, bahay na nila. Hindi raw basta-basta makakapasok sa lugar na iyon ang mga average student hangga't walang invitation ng members ng Elite. Bukod sa Elites ay wala ng iba pang ranking na nag-eexist. Ano kayang trip nila at gumawa pa ng gano'n? Nagpaalam si Vladia na magC-CR lang saglit kaya nagpasya muna akong umupo sa isa sa mga sofa nila rito. Wala namang espesyal sa lugar. Parang normal na bahay lang ng mayayaman. "Who are you?" napatayo ako agad nang marinig na may nagsalita sa likod ko. Mukhang nabigla siya nang magtama ang paningin namin. Tinitigan ko siyang mabuti. Para tuloy akong bumalik sa araw na una ko siyang nakita. "Kuyaaaa, I got my wallet in your room." boses ni Vladia na pababa na ngayon ng hagdan. Tumingala ako nang makita ko siyang dumungaw do'n. Kumindat lang siya sa akin. Hindi ko na muling binalik ang tingin sa nasa harap ko. Pero ngayon ko lang tuluyang napansin ang kaibahan nila ni Vladia. Mas bilugan ang mata ni Vladia, ang labi naman ni Vlad ay mas manipis at may kakapalan din ang kilay niya— pati ang mukha. "She's my new friend," kumapit sa braso ko si Vladia at iniharap sa kuya niya. "Tara na, Vladia." Wala akong balak bumati. Mas gusto ko ng umalis dahil medyo kumakalam na rin ang sikmura ko. Puwede ko namang iwan si Vladia pero bago ako makalabas ng gate ay uwian na. Paalis na sana kami nang biglang magsalita ang kuya ni Vladia. "You look familiar."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD