Chaptert Three: Dinner with the Greystone

1639 Words
Dinner with the Greystone ~Zaiah~ "Aalis na ako." Paalam ko kay Cindy kung saan sinamahan niya pa akong maglakad papunta rito sa gate. "Don't worry I will take a picture of our new transfers para makita mo how handsome they are." Kulang na lang ay tumili siya ng malakas sa sobrang kilig. "Iba-block kita." Banta ko sa kanya at agad siyang napanguso. "Mauna na ako at nasa labas na ang driver ko." "Okay. Call me later when you got home." Binigyan niya ako ng isang mahigpit na yakap na parang hindi kami magkikita bukas. OA talaga nito. Naglakad na ako palabas ng academy. Tinawagan pa ng guard ang dean namin para kumpirmahin ang maaga kong pag-uwi bago ako palabasin. Hindi rin ako nahirapan hanapin kung saan nag-park ang driver ko dahil nag-iisa lang ang black Rolls-Royce Phantom ang nandito sa parking area. "Kuya, sa bahay muna tayo." Utos ko ng pagkaupo ko rito sa backseat. "Pero, Ms. Zaiah, ang utos ng mom niyo ay sa hotel na ang diretso," tugon nito na inumpisahan ng paandarin ang sasakyan. "Sa bahay muna, Kuya. Hindi ako a-attend ng dinner ng naka-uniform. Ako na ang bahala magsabi kay mom basta sa bahay muna tayo." Pagpupumilit ko at nakita ko ang pagtango nito sa rearview mirror. Habang nasa byahe ay kinuha ko ang cellphone ko at nagpunta sa google para i-search ang Greystone na makakasama namin sa dinner. Alam kong maimpluwensya ito at mayaman dahil hindi naman makikilala nila mom at dad kung hindi. Maraming mga kaibigan ang parents ko at karamihan sa kanila ay halos kilala ko na dahil simula eight years old pa lang ako ay kasama na ako sa mga dinner meeting nila. Mukhang may bagong kaibigan naman sila dahil hindi pamilyar sa akin ang Greystone o baka nakalimutan ko lang? Hindi nga ako nagkamali sa hinala ko na maimpluwensya at mayaman. Greystone is the third most powerful family in the world and they own a vast and vaired businesses in technology, pharmaceutical, lucrative real estate empires and private security firms. Hindi ganoon kadami ang information sa background na mayroon sila at puro pagmamay-ari na business lang nila ang lumalabas which is hindi ko naman kailangan. Mukhang wala naman ako mapapala sa pagsi-search ko kahit picture ng Greystone wala, puro buildings lang nila ang lumalabas. "Ms. Zaiah, nandito na po tayo. Pakibilisan lang po dahil may oras tayong hinahabol," sambit ni kuya na ikinangiwi ko na lang. Inuutusan niya ba ako? Hindi ko na lang siya pinansin at mabilis na naglakad papasok ng bahay. Nakasalubong ko pa si manang na hawak ang laundry basket habang patakbo akong nagtungo rito sa kwarto ko. Bilisan ko raw kaya halos masubsob na ako. Baka makagalitan din si kuya. Time is gold pa naman pa naman pagdating kay mom at dad. Binuksan ko ang pinto ng wardrobe ko kung saan bumungad sa akin ang mga damit ko. Pabato kong inilapag ang bag ko sa couch na nandito at namili na ng susuotin. Kinuha ko ang long black dress na isang beses ko pa lang nasuot. May mahaba itong slit sa kanang hita, sleeveless at fit sa katawan. Hinubad ko na ang uniform ko at pabato ring itinapon sa couch. Tinali ko lang ang blonde kong buhok sa likuran at naglagay ng kaunting makeup. Huli kong sinuot ang black stilletos ko at feather bag bago mabilis na nagtungo pabalik sa sasakyan. "Sa hotel na po tayo." Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko at kung tutuusin maaga pa naman. May mahigit dalawang oras pa bago mag-alasais. Nang dahil sa traffic ay isang oras at kalahating minuto ang ginugol namin sa kalsada bago nakarating dito sa Okada Manila. 5:35 p.m. pa lang naman kaya safe si kuya dahil hindi kami na-late. Hindi pa nag-uumpisa ang dinner ay pagod na ako at inaantok. "Good morning, Ms. Zaiah." Bati ng lalaki sa akin nakasuot ng tuxedo at mayroon pa itong suot na communication earpiece. "Yea?" Nakataas ang kilay kong tugon. "I'm one of the security of Greystone and they ask me to accompany you when you arrive. Please, follow me." Tumango na lang ako at sumunod sa kanya. Pumasok kami sa elevator at mukhang papunta kami sa higher floor nitong building. Pagkarating namin dito sa floor ay dumiretso kami sa Yu Lei na isa sa mga fine dining restaurant dito ng Okada. Mukhang naagaw ko pa ang atensyon ng mga tao dahil biglang lumipat ang tingin nila sa gawi ko pagkapasok namin. Parang ang sarap manaksak ng mata gamit ang chopsticks. "Sorry, I'm late." Agad na bumeso ako kay mom at dad. "No, you're not. You're just in time, Honey," tugon ni mom na nakasuot ng white dress na masakit sa mata dahil sa disenyo nitong glitters, "And I didn't expect that you will change." tukoy niya sa suot ko, "You look stunning." "Have a seat, Zaiah." Utos ni dad na nakasuot ng black tuxedo. "I thought we're going to have a dinner with the Greystone?" tanong ko dahil dalawa lang silang nandito sa table ng madatnan ko. Bigla na lang din nawala iyong naghatid sa akin dito. "They are already here. They just get back on their rooms because their son just arrived before you," sagot ni mom at napa-ah na lang ako. Son? Bakit parang iba ang kutob ko rito sa dinner na ito? "By the way, how was your school?" Biglang tanong ni dad na marahang umiinom sa hawak niyang tea cup. "Same same." Tipid ko na sagot ko habang nakangalumbaba rito sa lamesa. "Did you take your medicine after lunch?" Nakangiti na tanong ni mom at tumango naman ako. "Great. Also..." Napalingon ako kay mom ng hindi niya ituloy sasabihin. Makahulugan itong lumingon kay dad na parang humihingi ng permiso. "Also?" "We'll be gone for a week to get you another medicine in Switzerland." Pagtutuloy nito na ikinanoot ng noo ko. "A week? That long?" Nagtataka ko na tanong dahil usually three days lang naman sila nawawala kapag kukuha ng medicine ko. Wala kasi rito sa Pilipinas at hindi basta-basta nabibili ang maintainance ko kaya kinukuha pa nila ito sa Switzerland sa kakilala na pharmacist. "There's something that we need to fix there." Si dad ang sumagot. "If you just said yes to your mom earlier about tansferring school, you will be with us and we're be moving in Switzerland for good." Dagdag ni dad na lalong nagpakunot ng noo ko. Bakit parang may mali? Parang may ibang laman ang sinasabi ni dad. Bago pa man ako makapag-react ay naagaw ang atensyon namin sa isang malakas na palakapak mula sa likuran ko. Napakunot-noo ako ng biglang tumayo sila mom na agad ko ring ginawa. "I'm glad we're already complete finally." Awtomatiko akong napalingon sa nagsalita at isang lalaki ito na nakasuot ng puting tuxedo. Mukhang nasa mid 50s ang edad niya dahil sa tanda ng itsura niya. Matangkad siya, hindi rin maitatanggi na may itsura, kulay itim ang buhok nito at mayroong trimmed na mustache sa ibaba ng matangos niyang ilong. Mayroon pa itong tabacco na nakaipit sa dalawang daliri niya. Pero hindi lang siya ang napansin kundi pati ang lalaki na kasama niya na sa tingin ko ay ang anak niya. Para siyang batang version ng dad niya. Nakasuot din siya ng white tuxedo na siyang bumagay sa kanya. Medyo magulo nga lang ang itim nitong buhok na parang sinabunutan ang sarili. Malamig kung tutuusin ang expression ng mukha niya compare sa papa niya na parang mapupunit na ang mukha sa pagkakangiti. Walang masyadong emosyon pero hindi ko maitatanggi na gwapo-- "What the hell!" Agad akong umiling sa huling salita na pumasok sa isip ko. Wala sa plano ko ang isipin iyon. Nahahawa na ako kay Cindy. Oo kasalanan niya ito! "Do we have a problem, Young lady?" Napabalik ako sa wisyo ng marinig ang tanong at agad naman akong umiling. Tumango naman ito at naglakad palapit sa gawi ko. "My apologies, I didn't introduce myself yet. My name is Beau Greystone and I believe you are Zaiahnna." Nabigla pa ako ng kunin niya ang kamay ko at halikan ang likod ng palad ko. "Ah...yes." Tanging nasambit ko lang. "I didn't expect that you will be this stunning in person." Hindi ko alam kung compliment ang sinabi niya pero tipid na ngiti na lang naitugon ko dahil nakapako ang tingin ko sa kasama niya. "By the way, this is my son." Sinenyasan niya ang anak na magpakilala. Medyo napaatras pa ako ng kaunti dahil para siyang hangin na bigla na lang sumulpot ko. Nagtagpo pa ang mga mata namin at ngayon ko lang napansin na grey-blue ang mga mata niya. Parang may napili na akong mata na gustong tusukin ng chopsticks. Kinuha niya ang kamay ko ng hindi inaalis ang pagkakatitig sa akin na parang nasa competition kami na walang kukurap. Ayaw magpatalo, ah! Hindi ko rin alam kung sinasadya niyang bagalan ang kilos habang inaangat ang kamay ko dahil bigla siyang nag-slow motion sa paningin ko. "Haaaaaa...chu!" Malakas na bahing ko bago pa niya mahalikan ang likod ng palad ko. "f**k!" Mura niya habang pinupunasan ang mukha gamit ang braso niya. Kumurap ka rin! "Zaiah, are you okay?" Nag-aalala na tanong ni mom dahil ayaw na ayaw niyang nagkakaroon ako ng sintomas ng sakit. "I'm okay, Mom. I just felt something in my nose." Pagdadahilan ko at ng bumalik ang paningin ko sa kanya at masama na ang titig niya sa akin. "Peter McKingley Vance Greystone." Madiin na pagpapakilala niya saka iritang naupo sa bakanteng upuan na which is nasa tabi ko lang. Akala ko ako lang ang may mahabang pangalan. "Hahaha. You can call him Vance for short." Natatawa na sambit ng dad niya na umupo sa bakanteng upuan na nasa kabilang side ng anak niya kaya naman naupo na rin kami. Silang dalawa lang? Nasaan ang Mrs. Greystone? To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD