"GOOD MORNING babe," nagising si Aubrie sa pinong halik sa labi niya. At pagmulat niya ang nakangiting si Jax ang nabungaran ng kanyang mata. "Let's have breakfast." "Anong oras na?" Natauhang tanong niya na ikinabalikwas niya nang bangon upang muli ring mapahiga dala nang sakit nang katawan niya. " Sunday ngayon sleeping beauty. It's almost nine am, kaya ginising na kita kaunti lang nakain mo kagabi." Nag-aalalang saad nito pero may kakaibang kislap ang mata ni Jax. Kasunod ay ang pagkalam nang sikmura niya. "Gutom ka na nga," nakangisi pang saad nito. Saka siya inalalayan upang makabangon. She was surprised she was wearing his t-shirt and underware. "Binihisan na kita kasi baka mawala naman sa katinuan ang alaga ko. Masyado ka kasing hot babe," anang nito tila nahulaan ang iniisip niya

