"DAHIL wala ka man lang paki-alam sa akin!" Gulat na napatitig na lang si Aubrie dito. Galit pa rin ito samantalang kausap lang nito si Hope kanina. Sa inis ay tinalikuran na lang niya ito. "Talagang tatalikuran mo ako!" Sigaw ni Jax nang nasa may pinto na siya nang kuwarto. Ganun na ba ito kalasing? Para sumigaw na lang bigla. Mukhang kaunti lang naman ang bawas sa bote nang alak. "Anong gusto mong sabihin ko, na girlfriend mo na pala si Hope?" Pero hindi lumabas sa bibig niya ang salitang 'yon. Hindi pa siya handang komprontahin ito. Paano kung sabihin nito sa kanya ang totoo. Makakaya ba niya? Kaya natagpuan niya ang sariling naglalakad palapit dito. Saka siya naupo sa tabi ni Jax. Aktong iinum ito nang alak nang agawin niya ang baso dito. At walang salitang tinunga ang laman nang

