Rule 2: Keep everything private. "WHAT? Bakit mo ba sinasabi 'yan?" Tuluyang napa-upo si Aubrie sa tabi ni Jax. Saglit na namayani ang katahimikan sa pagitan nila. "Ganun ba kahirap para sa'yong maging bahagi nang buhay ko?" parang naiwan sa utak niya ang tanong nitong 'yon. "Dalawang taon na tayong magkasama, kung mahirap 'yon diba dapat matagal nang natapos 'to," lakas loob na sagot niya niya. "Forget it," he said dismissing the topic. Silence. "Kung ano man ang mayroon tayo, it's just between us, no one knew. We promised, we keep everything private. Ayaw ko lang may masabi ang mga tao tungkol sa akin," napayuko siya upang 'wag niyang salubongin ang walang emosyong titig nito. Ano bang nangyayari bakit nito nasasabi ang mga ganung bagay? Was he trying to make me mad. She thoug

