"HI JAX, baby!" Nagpagting ang tainga ni Aubrie nang marinig ang tinig nan babaing naroon sa tapat nang lift. Kung kanina matinding kaba ang sumalakay sa kanya nang mapagtanto niya na pamilyar ang boses na kausap niya. Ngayon ay inis ang nararamdaman niya nang makita niya kung paanong lumingkis sa braso ni Jax ang malanding babaing napaka-iksi nang skirt na halos makita na ang panty. "You are--" gusto niyang matawa sa tanong ni Jax sa babae. "Grabe, hindi niya kilala ang babae niya," wala sa sariling usal niya nang lampasan ang mga ito. "Bakit ka naman ganyan sa akin," dinig niyang maktol nang babae. Saka tuloy tuloy lang siyang naglakad palabas. "Grabe ka girl!" Tudyo ni Shane sa kanya. "Kayo naman hindi n'yo man lang sinabing kasama natin ang---." Kusa niyang pinigilan ang sarili.

