Kabanata Labing Tatlo: Wala Akong Pakialam Minsan, may mga bagay talaga sa buhay natin na hindi natin alam kung ano ang purpose. Hindi mo namamalayan, kinukwestiyon mo na pala ang kahalagahan nito sa buhay mo. “Thank you for accepting my invitation for today, Lei,” sambit ni Pio at nginitian ako. Tipid akong ngumiti sa kan’ya. Kakababa lang namin ng kan’yang kotse at papasok na sa loob ng mall. Sa totoo lang, hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin kanina at hindi na rin ako nagtanong. Alam ko namang safe ako kay Pio. Today is Friday, the day I agreed to go out with Pio. I’m true to my words so here I am, walking beside him. Wala naman sigurong masama sa ginagawa ko ‘di ba? Wala naman akong boyfriend… ngunit bakit pakiramdam ko ay mali ang lahat ng ito? “Okay lang ba

