LIYA POV :
Napatitig ako sa kawalan habang inaantay ang kaibigan ko, para sabay na kaming pumasok sa first subject .. I am a Graduating student in BS Education dito sa University of Cordilleras (Baguio City) Ilang buwan nalang... Yayapak na ako sa stage, magtatapos na ako.. Makakatulong na ako sa mga magulang ko, sa wakas..
After my sister died, medyo nagigipit na kami financial.. kasi dalawa kaming nag aaral ng kapatid ko, nasa 2nd year college na siya ngayon ..
"Liyana, tulala ka na naman diyan, di ka na naman ba kumain?" Tanong sakin ni Gaia na kararating lang din pala sa favorite tambayan namin..
Tiningnan ko lamang siya at ngumiti "Tara na, baka malate na naman tayo, major pa naman" dagdag niya saka na kami naglakad paakyat sa building.
Sakto naman na kararating lang din ng professor namin pagka upo namin. We are 9 in Major subject, tatlong oras na klase, Nakakabagot pero ayos lang at magtatapos na din naman ako, Magtatapos na kami.. Iyon lang ang lagi kong sinasabi sa isip ko.. In the very first place, I don't like this course, but I don't have a choice, my sister wanted me to continue her dream of being a teacher, kaya umoo lang din ako.. I maintained my grades since first year college and up to now..
Pagkatapos ng major class namin, ay vacant namin. tumambay lang ulit kami ni Gaia sa baba kasama ang ibang estudyante..
"Review ka ba agad bes, pagkatapos?" tanong ni Gaia.
Tiningnan ko siya, "Hindi ko alam, alam mo naman bes, ayoko ang kursong ito, ayokong mag turo, I don't have patients to kids, e paano nalang sa High school students? Baka imbes na maturuan ko sila ng magandang asal e, iba ang maituro ko sa kanila" sabi ko at kinindatan..
Gaia knows it everytime I told her "BAKA IBA ANG MAITURO KO SA KANILA" kaya tumawa siya dahil sa na green minded na naman ata ang loka..
"Nganga mo bes, baka may ibang makarinig na naman sa'yo" sabi ko sa kanya..
Nagpalipas lang kami ng break time doon at tska kami bumalik sa classroom..
Ganoon lamang ang everyday routine namin ng kaibigan ko pag nasa school kami, Aral, library bahay..
Lumipas pa ang mga araw, lingo, buwan...
SINGLE kaming dalawa ni Gaia, kaya pag aaral talaga ang inaatupag namin na magkaibigan.. Madami din kaming mga kaibigan, pero pagdating sa exams, kaming dalawa lamang ang magkasama dahil sa kami lang ata ang marunong mag review.. At wala naman ni isa ang nag atubling manligaw sa amin.. Lumaki kaming dalawa sa iisang Probinsya at sabay din na nag college dito sa Baguio..
Kada weekends, bumababa kami ng Baguio para umuwi at makatulong sa aming pamilya kahit saglit na araw lamang..
Mangingisda ang tatay ni Gaia, at magbubukid naman ang pamilya ko.. Nakakaraos kami sa araw araw. Sinasabi kong swerte na kami dahil nakaka kain kami tatlong beses isang araw, minsan pa nga limang beses e.
Sumakay na kami ng bus pababa ng Baguio at baka mahuli kami .
"Last na uwi na natin ito bes, next weekend e baka hindi na tayo makakauwi dahil bc na sa graduation practice" sabi ko kay Gaia..
"OO nga bes, sa totoo lang, super excited na ako sa graduation natin, akalain mo un ? Shunga shunga pa tayo noon at First time natin dito sa Baguio, pero ngayon heto at gra graduate na tayo" un ang mahabang sagot sakin ni Gaia..
NAGKWENTUHAN lang kaming magkaibigan, dalawang oras ang biahe namin, at pababa na kami ng bus. Nandoon na nag hihintay sa terminal ang kapatid kong susundo sa amin na uuwi sa bahay..
"Mauna na ako bes, salamat ulit sa pagsakay" sabi ni Gaia. Tinanguan ko lang siya at umalis na din kami ng kapatid ko. Nadatnan namin si mama at papa sa labas ng bahay, at mukhang hinihintay nga ang padating namin. Ganitong ganito lagi kapag weekends na umuuwi ako, hinihintay kami sa labas ng aming bahay..
Nagmano kami pareho sa kanila.
"Kamusta anak, hindi pa ba mainit sa Baguio?" tanong ng aking ama.
"Medyo malamig lamig pa pa, kasi February palang ee" sagot ko "may pagkain po ba? Hindi na kasi kami nakapag umagahan ni Gaia e" sabi ko sabay kamot sa ulo ko kahit alam ko naman na hindi un makati.
"Hinihintay namin ang padating mo anak, at sabay na tayong kakain, pasok na tayo" yaya naman ni mama sa amin at lumakad na ako papasok sa bahay. Dumiretso ako sa kwarto ko at nagpalit muna ng damit pambahay
Lumabas din ako kaagad dahil talagang gutom na ako, at mas lalo akong nagutom noong naamoy ko ang tortang talong na niluto ni mama.
"Hala, umupo na kayo at kumain na" sabi ni mama . Salo salo kaming kumain ng umagang iyon..
KINAUMAGAHAN, maaga kaming namitas ng mga gulay sa taniman para baunin namin ulit ni Gaia paakyat mamayang hapon.. Inaantay na ako sa labas ng bahay . Kaming tatlo lang ang mamimitas ngayon, dahil nagsimba si mama at papa.
Madami daming tanim ngayon dahil pa summer naman na. Okay na din yung may mejo mas madami kaming gulay sa boarding house para di na kami bumili pa.
Umalis kami sa bahay mga bandang alas dos ng hapon, para hindi kami gabihin pagdating ng Baguio.. nakasakay naman kami agad dahil papuno na ng dumating kami.. Kinawayan ko lang ang kapatid ko at umalis na siya.
Nakarating kami ng Baguio bandang alas singko na ng hapon, sakto at hindi pa naman madilim. Nag taxi na kaming umuwi sa boarding house namin..