Hindi parin ako maka paniwalang nakauwi ako dito sa bahay kagabi nang Wala man Lang ni isang gasgas,eh sa pag kaka alala ko ay sobrang lasing ko kagabi.that reminds me to ask grey pag nagkaroon ako nang pagkakataon.
Papalabas na ako nang subdivision ngayon..bigla yatang kumalam Ang sikmura ko kaya dadaan muna ako sa isang sikat na restaurant sa may BGC tutal on the way Ko narin naman eh.
Matapos makapag park ay pinulot ko Ang Gucci red handbag ko..Buti nalang ay red Ang tube na napili ko at bumagay narin sa handbag ko at red high heeled boots na Hanggang tuhod ko Ang haba.
"Goodness! medyo malayo-layo pa pala ako naka pag park kaya kakailanganin ko pang maglakad nang kaunti papasok sa loob nang mall Kung saan naka pwesto Ang paborito Kung restaurant.
Medyo may kataasan din Ang takong nang boots ko kaya napapa imbay talaga Ang balakang ko sa paglalakad.Good thing at hindi gaanong katirik Ang Araw.
Past eleven narin kAsi ako naka Alis sa bahay dahil naglibot libot muna ako sa paligid...sobrang na miss ko talaga Ang tumira roon..lalong lalo na Ang baby ko kaya nagtagal pa ako Doon nang ilang saglit.
Hay sa wakas at malapit na ako sa may entrance dahil pakiramdam ko pag naglakad pa ako nang ilang sandali Ay pag papawisan na talaga ako dahil kahit Hindi tirik Ang sikat nang Araw ay maalinsangan parin.
Habang nag lalakad ay Ramdam na ramdam ko Ang mga malalagkit na titig na ipinupukol saakin nang mga kalalakihan na aking nadadaanan,ni Hindi man Lang yata takot na mahuli ko sila.
Iyong iba pa nga ay sinisiko nang kasama nilang girlfriends o asawa.ramdam ko rin ang inggit sa titig nang mga kababaihan.
Napa iling nalang ako sa naisip,well I can't really blame them...mataas na Ang height ko pero mas Lalo pa akong pinatangkad nang suot Kong boots.pinatingkad pang Lalo nang kulay pula Kong kasuotan Ang makinis at mapuputi Kong kutis.
Idagdag mo pa Ang mataas Kung buhok na may natural na kulot-kulot sa dulo na sumasabay sa paglalakad ko.bonus nalang Ang blue eyes ko.
Kung dati ay sobrang mahiyain ako at Wala self esteem..ibahin niyo ako ngayon dahil Wala na akong pakialam sa mga matang mapanuri at mapanghusga na Kung titigan ka ay parang senisentensyahan kana agad.hmm..manigas kayo! saisip ko habang may ngiting sumilay saaking labi.
Matagal natong pinatigas nang panahon kaya Wala na akong Hindi pa kakayanin.saisip ko.
Nang papalapit na ako sa may pintuan nang restaurant ay dali-dali pang tumakbo Ang manager na nagra rounds para pagbuksan ako nang glass door.
"Thanks!" sambit ko at sinabayan nang isang matamis na ngiti."bigla naman itong namula at bahagyang tumango nang maka lagpas ako rito.
"Oh my gosh! si miss Diana lee ba iyon?grabe Ang Ganda! she's really stunning!
"Oo nga grabe! nakaka inggit naman!" rinig ko pang pag bubulungan nang isang mesang nadaanan ko...nagbubulungan kuno sila pero umabot parin sa pandinig ko tsk!
Doon ako pumwesto sa favorite spot ko sa may gawing gilid nang glass wall dahil tanaw ko Ang mini garden sa labas.
Maya Maya pa ay may lumapit nang waiter saakin and handed me the menu.
"Goodnoon ma'am!"bibong bati nito na may malaking ngiti sabay abot nang menu."
"ahm..just give me some baked salmon and a glass of piña colada"baling ko Dito sabay ngiti.
Agad naman itong tumalima at Hindi magkanda Tuto sa paglalakad.ano bang nangyayari sa mga tao rito at parang na ra-rattle sila pag kausap ako?napapa iling na Lang ako at nangingiti sa naisip.
Habang naghihintay sa order ko ay inilibot ko muna Ang paningin ko sa paligid nang mapadako Ang tingin ko sa isang sulok nang hotel Kung saan naka pwesto Ang taong laging laman nang isip ko.
Bigla yatang tumigil sa pagtibok Ang puso ko nang mag Tama Ang mga mata namin.
Those deep piercing eyes na parang tinitingnan Ang kasulok sulokang bahagi
nang pagkatao mo,at saka kanina paba siya nakamasid saakin?bakit parang mukha yata itong galit at madilim Ang tingin sa'Kin?sa naisip ay parang napapasong agad akong nag iwas nang tingin Dito.
Napahinga ako nang malalim at pilit na huwag lingonin ito sa kina pu-pwestuhan nito.kung kanina ay tila tumigil sa pag t***k Ang puso ko,ngayon naman ay para itong hinahabol sa bilis nang t***k nito.Oh God! ano ba itong nararamdaman ko?piping bulong nang isip ko.