Ang Maitim Na Balak

2407 Words
Dumating ang araw ng aming “pag-tutuos” ni Sir James. At pinaghandaan ko talaga ang oras na iyon. Bagong paligo, mabango, naka-gell ang buhok, at sa suot kong puting body-fit na t-shirt at straight-cut faded na maong, hanep na hanep ang dating. “Tingnan natin kung hindi ka sasakay sa plano kong ito sa iyo” sigaw ng utak kung nasulsulan ng kademonyohan. Sinadya kong magpaporma talaga para sa okasyon na iyon. At kasali sa planong iyon ang pagdala sa kanya ng pasalubong na isang boteng imported na alak at pulutang setseria. Higit sa lahat, dala-dala ko din ang pamatay kong sandata: ang aking phone-camera. “Good evening James” ang pag greet ko sa kanya noong binuksan na niya ang gate. Hindi na ako nag-“Sir” pa. “Good evening din Carl!” tugon niyang nakangiti. “Himala, nakangiti sa akin” sabi ko sa sarili. “A, heto pala, James may dala akong maiinom habang nag-uusap tayo. May kasama na ring pulutan.” Sambit ko. Pumasok kami sa living room, kinuha niya ang dala kong alak at mga setseria at inilagay ang mga iyon sa ibabaw ng mesa. Maganda ang flat niya, tamang tama lang sa laki. Inikot ko ang mga mata sa paligid; may CR at shower ito sa gilid, nandoon na rin ang kusina sa may bandang dulo. May maliit din siyang corner kung saan nakalagay ang mga personal niyang gym equipment. Maayos na maayos ang kwarto, malinis, masinop. Tinungo ko ang sofa at naupo sa gitna nito. “Hindi ka na dapat nagdala pa neto Carl, di naman pakikipag-inuman ang pakay ko e. Tungkol sa attendance mo sa klase ang pag-uusapan natin, iyan lang. At kung maaari, ay ayaw kong uminom.” Ang sabi niya noong maupo na sa isang silyang nakaharap sa akin. “Iyon na nga, eh... Sa ibang estudyante, nakikipag-bonding ka, nakikipag-biruan, sumasali sa mga kung anu-anong sosyalan. Pero sa akin iba ang pakikitungo mo. Ang labo mo naman, James?” sabi kong kalmante pa rin at pigil ang sariling hindi ipinahalata ang sama ng loob. “Kaya’t para hindi ako tuluyang magtampo, dapat mag-inuman muna tayo bago mag-usap. At dapat, maubos nating dalawa iyang isang boteng alak na dala ko.” Dugtong ko. Kitang-kita ko sa mukha niya ang pagkagulat. “Are you kidding? Iyang buong bote na iyan at tayong dalawa lang? Ang tindi mo rin pala sa inuman, no?” At pinakawalan ang isang malutong na tawa. Napayuko lang ako, napailing-iling, nahalata sa tono niya na ayaw niyang pumayag. Binitiwan ko ang isang pilit na ngiti; ang mga mata ay nagbabanta. “Take it, or leave it” Nahinto siya sa pagtawa. Naging seryoso ang mukha. “Pero alam mo Carl, itong pag-usapan natin ay hindi naman para sa kapakanan ko e. Ito‎’y tungkol sa iyo; para tulungan ka, mabigyan ng advice d’yan sa pinaggagawa mo. Dapat nga ikaw ang unang taong maghahabol ng solusyon dito, e” paliwanag niya. Pakiramdam ko, umakyat ang lahat ng dugo ko sa ulo. “Wow naman, James. Hanep din ang diskarte mo, ano? At wag mong kalimutan, di teacher ang pakitungo ko sa iyo ngayon kundi magka-level lang tayo. And if it’s me that you want to talk about, or if it’s your stupid subject, then I don’t care a bit. At tungkol sa sinabi mong pag-tulong?” pag-emphasize ko sa salitang ‘tulong’ “Well, thanks, but, no thanks, man dahil, I don’t need your help. I don’t need your fuckin damn help, ok?” sabi kong matigas ang tono ng panalita at nakatitig ng matalas ang mga mata sa kanya. “Ngayon, does this mean I have to leave?” banta ko. Natulala siya sa narinig, hindi naka-sagot. Dahil sa di niya pagtugon agad, tumayo ako at akmang tatalikod. “No, wait... OK, ok. Iinom ako, pero hanggang kalahating bote lang tayo. Pwede na ba iyon?” Humarap uli ako sa kanya. “Deal!” sabi kong ramdam ang kasiyahan. At bumalik na uli ako sa upuan. “Iyon naman pala e...” Sa isip ko lang. At nag-inuman nga kami, tagay system. Iyong iisa lang ang basong gamit at iikot sa aming dalawa ang tagay. Walang usapan, puro pakiramdaman lang. Nagbabasa siya ng libro habang kuntento na ako sa pagsisigarilyo, ang usok ay paminsan-minsang ibinubuga sa harap niya. Alam kong naiirita siya sa paninigarilyo kong iyon at sa pagbubuga ng usok. Ngunit wala akong pakialam. Basta ang napagkasunduan ay uubusin namin ang hanggang kalahati ng bote ng alak at doon pa kami magsimulang mag-usap. Pag naabot iyon, makikinig ako sa kahit ano man ang sabihin niya. Inip na inip na ako sa setup naming walang imikan. Nakailang tagay din kami noong sa sobrang pagkainip ay sinadya kong tanggalin ang t-shirt, para lang may magawa, masabi, o mabasag ang pagkainip. “Mainit, sensya ka na James.” Napatingin lang siya sa akin. Pinagmasdan ng saglit ang hubad kong katawan at balik ulet siya sa pagbabasa. Hindi pa rin siya kumibo. Dedma. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya, o marahil ay tinablan na rin siya ng pagkalasing ngunit maya-maya lang ay tinanggal niya na rin ang t-shirt niya. Hindi ko maiwasang di pagmasdan ang matitigas at maskuladong hubog ng kanyang katawan. Na-appreciate ko iyon – ang ganda ng upper body niya na sculpted mula sa dibdib hanggang sa abs at oblique muscles; wala ni kaunting taba kang makikita. At kung pagmasdan ang tiyan niya, animo’y may mga pan de sal. Six-pack abs, kumbaga. Ngunit hindi na ako nagtaka dahil sa nakita kong personal mini-gym niya. Sigurado, nagwo-work out siya palagi. “Disgrasya ka ngayon.” bulong ko sa sarili sabay bitiw ng pilyong ngiti. Maya-maya, noong ramdam ko na ang pag-iinit ng katawan, tumayo ako’t sumayaw-sayaw na parang macho-dancer. Binuksan ko ang sinturon at ang dalawang butones ng fly at sadyang ibinababa ng kaunti ang pantalon upang lilitaw ang puting garter ng brief. Wala pa rin siyang imik; tumingin sa akin ng saglit, at bumalik na ulit sa pagbabasa. “Wala bang music?” tanong ko, pagparamdam na grabe na ang pagka-inip ko sa sitwasyon naming animoy nasa gitna ng sementeryo. Tumayo siya. Tinungo ang stereo, pinatugtog ang isang mellow music, at bumalik na sa upuan, ipinagpatuloy ang pagbabasa, napailing-iling. Lalo namang nagpalakas ng loob kong mag-tease ang narinig na mellow music. “Tingnan na lang natin kung iiling-iling ka pa rin mamaya” ang sigaw ng utak ko. Kalahating bote na ang naubos namin noong inilatag na ni Sir sa mesa ang aklat niyang binabasa. “O, siguro naman pwedi na tayong mag-usap.” sabi niya habang nakatutok sa akin ang mapupungay na mga mata dala ng pag-epekto na ng alak. Bumalik ako sa upuan, sa harap ng inupuan niya. Gusto kong matawa dahil sa pagkabilis niyang malasing, palibhasa, hindi sanay. Napatitig ako sa kanya, pinagmasdang maigi ang mukha niya. “Heto iyong taong hinahangaan, tinitingala, minahal, at iniidolo ng mga estudyante ngunit nandito ngayon sa harap ko, isang sapak ko lang at baka mawalan na ng ulirat.” Sabi ko sa sarili. Kahit nanggagalaiti ako sa galit, napansin ko rin ang nakakabighani niyang mukha. In fairness, makinis ito; maganda ang hugis ng mga mata at kilay, matangos ang ilong, may mapupulang mga labi, at makapal na medyo kulot na buhok. No wonder na madami ding nalolokang babaeng estudyante sa kanya dahil sa hayop niyang appeal. Nasa ganoon akong paghanga nang sumigaw si Sir James, tila isang musmos ito sa kalasingan. “Hoy, Carl, hindi ka naman nakikinig eh!” Napangiti ako sa sarili sa nakitang katawa-tawa niyang anyo. “OK lang James, magsalita ka” ang sabi ko habang aliw na aliw kong pinagmasdan ang bawat galaw niya. Tumungga ulit ako ng tagay, at isa pa. “O, gusto mo pa?” sabi kong sabay abot ng baso sa kanya, pag-encourage upang lalo pa siyang malasing. Marahil ay sa tindi na ng epekto ng alkohol, binalewala na niya ang sariling target na hanggang kalahating bote lang ang ubusin. “OK, sige...” tinanggap niya ang baso at tinungga ang tagay. Tinagayan ko pa ulet. Agad-agad din niyang tinungga iyon. Tinagayan ko pa. At tumungga siya ulit. Lasing na lasing na siya noong magpuntang CR upang umihi, halos di na makatayo. Nasa bungad pa lang siya ng CR noong mapansin kong maduduwal kayat takbo kaagad ako para alalayan siya. Nasa likuran niya ako, akap-akap ang katawan niya. Di ko maintindihan ang naramdaman habang naglapat ang aming mga hubad at basa sa pawis na pang-itaas na katawan. May animoy kiliting dumaloy sa katawan ko. Nasa ganoong ayos kami noong mapansin kong nahirapan siyang buksan ang sinturon. Kayat habang nakasandal siya sa akin, ibinaba ko ang mga kamay kong naka-akap sa chest area niya at dahan-dahang binuksan ang sinturon niya. Hinayaan niya na akong gumawa niyon. Ibinaba ko na rin ang zipper ng pantalon niya at hinawi ang brief upang makalabas ang ari. Ngunit sumagi iyon sa garter ng brief. Kaya’t hinugot ko na rin iyon para mai-shoot sa toilet bowl ang ihi. “Tangna! Para akong nag-assist ng isang disabled nito” sabi ko sa sariling di maintindihan kung mai-excite, matawa, o mainis sa experience na iyon. Nakaupo na siya sa silya noong nakabalik na ako sa upuan ko. “OK ka lang?” tanong ko. “OK lang. Salamat... nahihiya ako sa iyo.” Sabi niyang halatang hirap sa pagsasalita dahil sa kalasingan. “OK lang iyon, James, pareho naman tayong lalaki, e.” Sabi ko. “Balik pala tayo doon sa pagpapatawag mo sa akin. Ano nga ulit iyon? Sige, makikinig na ako dahil tinupad mo naman ang hiniling kong mag-inuman tayo at halos maubos na nga natin itong alak e.” Ngumiti siya. “Gusto ko lang naman... bumalik ka sa klase ko eh. Sayang naman ang galing mo kung di mo ipasa ang subject. Iyan lang ang gusto ko, simpleng bagay lang.” “Ah, iyan lang ba? Chicken. Ok, papasukan ko ang subject mo pero sa isang kondisyon.” “Ano na naman iyang kundisyon na iyan? Putsa, andami mong kundisyon din no?” sabi niyang sabay kamot sa ulo, halatang nakukulitan. “Makikipag-s*x ka sa akin.” Tila nabagsakan siya ng isang mabigat na bagay. Bigla siyang natahimik, napailing at binitiwan ang ngiting-pilit habang ang mapupungay na mga matang dala ng kalasingan ay nakatutok sa akin. Nakatutok din ang mga mata ko sa mukha niya, naghintay sa maaari niyang isagot. “Mukhang di ko yata kaya, Carl...” “Di mo kaya dahil estudyante mo ako o dahil ayaw mo lang talaga?” “What is the point?” tanong niya. “Just answer my question. Papasukan ko ba ang klase mo o hindi?” “OK, ok. Bago ko sagutin ang tanong mong iyan, tanong ko lang din. Ikaw ba, gusto mo rin ba talagang gawin ito sa akin, o may gusto ka lang patunayan?” Nag-isip ako. “Halimbawang ang sagot ko ay dahil gusto ko lang na may mapatunayan?” “Sa akin ba? O sa sarili mo?” bilis niyang pag follow-up. Natigilan ako sa tanong niyang iyon. Hindi ko akalaing sa kabila ng kalasingan niya ay magawa pa niyang ma-corner ako. Hindi ako nakasagot. “Carl, sabihin ko ‘to sayo: alam kong matalino ka, at naaamoy ko, nilalaro mo lang ako e. Magaling ka, kaya espesyal ka sa akin, alam mo ba iyon? Dahil ibang-iba ka sa lahat ng mga naging estudyante ko. Kumbaga, there is special and interesting about you. But don’t get me wrong here; it’s not your looks. It’s your intelligence and the way you look at things, sa edad mong iyan. At nalulungkot ako at nanghinayang dahil sa kabila ng talino mo, you are misdirecting it, stifling it’s potential, and in the process heading yourself to self-destruction. You are a genius, but with the mindset of an idiot. How to correct that mindset is a great challenge for me bilang guro mo. Maaaring masama ang loob mo sa akin sa approach ko sa iyo; but I got to do what I think is right. At alam ko, you want to resist and make your own game plan. Ngayon, kung kasali sa game plan mo ang kundisyon na makikipag s*x ako sayo para lang pumasok ka sa klase ko, sasakyan kita d’yan. But I got my game plan too. And in the end, let us see whose game plan succeeds.” Tumayo siya at kahit groggy, walang kakyeme-kyemeng hinatak pababa sa sahig ang kanyang jeans at brief. Tila may sibat na tumama sa puso ko sa sinabing iyon ni Sir James. Hindi ko akalaing masabi niya na ako ay espesyal. Hindi ko lang maintindihan at matanggap kung bakit ganoon ang approach at pagtrato niya sa akin. Alam kong sa talino at husay niya bilang isang guro, may malalim siyang ibig sabihin at ipinapahiwatig. Para akong natauhan at sumiksik sa isip na hindi na lang ituloy ang balak. Ngunit noong makita ko ang biglang paghubad niya ng lahat ng saplot sa harap ko, tila may kung anong klaseng kiliting gumapang sa katawan ko. Di ko mapigilan ang naramdamang paghanga sa ganda ng hugis ng katawang hunk na hunk ang dating. Nilapitan ako ni Sir, hinawakan sa balikat, pinatayo at siya na mismo ang nagtanggal ng jeans at brief ko. Lalong tumindi ang kiliting hindi maipaliwanag na gumapang sa katawan ko. At naramdaman ko na lang ang mga labi ni Sir James na dumampi sa mga labi ko. Niyakap niya ako, mahigpit. Sinuklian ko rin siya ng yakap. Para kaming sumasayaw, nagkiskisan ang mga dila naming habang ang mga ungol ay nangingibabaw sa buong kwarto. Noong tuluyan ng humupa ang init na umalipin, pakiramdam ko, isang panaginip lang ang lahat, hindi makapaniwalang nagawa ko ang bagay na iyon. Inaamin kong nasarapan ako sa ginawa namin ni Sir, kahit na ang gusto ko lang namang mangyari ay ang maisakatuparan ang plano ko. Doon na rin ako nakatulog sa flat ni Sir. At sa buong magdamag, naulit muli ang nangyari sa amin. Ibang klaseng sarap ang naranasan ko sa kauna-unahang pagkakataon, at kay Sir pa. Ngunit lingid sa kaalaman niya, naisakatuparan ko ang tunay kong hangarin: ang sikretong kunan ng video ang eksenang nakipag-s*x siya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD