Heartbreak Para akong masusunog sa nagliliyab kong galit na inaalagaan ko sa aking loob at lalo lang lumaki nang makita ko ang kanyang imahe. Naghahalo ang poot at hinanakit ko sa lalakeng halos luhuran ko na at kulang nalang pati ang aking sarili ay isuko ko sa kanya. Narinig ko siyang magmura at marahas na hinampas ang manibela na nagpapitlag sa akin. Sinikap kong kumalma, nilalabanan ang kaba at inalala ang dahilan kung ba't galit na galit ako sa kanya. "Napaaga ata ang uwi mo? Akala ko sa susunod na linggo pa. You're early." Nilingon ko siya at nginitian, taliwas sa gusto kong gawin sa oras na ito. Hindi siya sumagot. Kumuyom ang kanyang kamao sa manibela na kahit ang kanyang panga ay umigting ulit. Binalot ng galit ang mga mata niyang mariin ang tingin sa kalsada. Itinuon ko

