Tears Hindi ako huminto sa pagtakbo habang humahagulhol. Naririnig ko ang pagtawag niya pero hindi ko iyon pinakinggan at nagpatuloy lang sa pagtakbo. Hindi ko alam kung saan ang aking direksyon at walang pakialam kahit na mawala ako sa kakahuyang iyon. She slap me! Gumanti lang naman ako dahil sa galit ko! Ni minsan ay hindi ako nasampal ng kung sino! Even my own mother! Kahit nga madapuan ng lamok ay hindi ko naranasan dahil ganoon nila ako kaalaga tapos sasampalin niya ako ng ganon ganon nalang! She provoke me to hurt her back! Siya naman ang nauna ah! And that Toshi! Kampi agad sa kanya kahit hindi niya alam ang buong nangyari! Sinigawan pa ako! Lahat sila ay kampi sa kanya at palagi nalang ako ang nakikitang may mali! Para akong hindi makahinga dahil sa naninikip kong dibdib. Ng

