Komplikado Naging tulala ako ng ilang sigundo sa loob ng condo ni Toshi habang inaalala ang pagpunta rito ni Floren. Why did she know his condo unit? Nagkikita parin ba sila? But it seems like Floren is still his ex. Iyon parin ang label niya sa buhay ni Toshi dahil sa inasal nito sa aking harapan. Seems like she's just like me, naghahabol rin. Narinig kong may pumipindot na sa passcode sa labas kaya mabilis akong nagtungo sa may pinto. Pagkabukas niya noon ay napakurap na lamang siya nang makita ako sa harapan. Bumusangot ako at humalukipkip sa may pinto. Akma siyang papasok kaya mabilis akong humarang at mas lalong bumusangot. "Ano na naman?" Tanong niya, malambing at medyo pagod ang boses na kahit ang ulo ay tumagilid na para masilip ng buo ang aking ekspresyon. "Floren went here

