Monster "Bakit ka nila tinanggal? Hindi nila nagustuhan ang mga performance mo? But you walk like a Goddess! I've seen the videos on the internet! Ang ganda ganda pa nga!" Isa iyon sa mahahabang lintanya ni Mommy sa akin nang magvideo-call kaming dalawa. Kahit siya ay nagulat rin dahil sa ginawang pangrereject sa akin noong ibang kompanya. "Ewan ko nga, Mommy. But I'm not really affected dahil may natitira pa namang kompanya na maaari kong applayan. I'll try my luck total mukhang doon rin ako hinihila ng tadhana." Paliwanag ko na ikinakalma ng kanyang mukha. Nasa kwarto parin silang dalawa ni Daddy. Siya lang itong maagang nagising habang ang aking ama ay mahimbing paring natutulog, nakatopless at nakadagan ang braso sa beywang ni Mommy. "I'm sure matatanggap ka roon. Ikaw pa. You're

