Sunud-sunuran "One more shot..." Hinawakan ko ang buhok kong pinaglalaruan ng hangin at tumingin sa kanang bahagi para mas maenhance sa camera ang side profile ko. I slightly opened my mouth as my dress moved because of the wind. Maganda ang background at mukha akong nakatayo sa cliff dahil narin sa over view sa likuran. "Tama na?" I asked my photographer who stared at my shots for awhile after taking some shots. Nakakailang kuha narin kami. "Last," he said nonchalant while staring on it. Ngumuso ako. "Kanina pa ah?" "Last nalang," sabi niya at itinutok muli ang camera sa akin. Wala akong nagawa at nagpose muli. "Tumingin ka dito," utos niya. Sumunod naman ako at tumingin sa kanya. Nagfierce ako at itinagilid ng kaonti ang aking leeg saka ko hinawakan ang dulo ng aking buhok.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


