With who? Hapon na noong makarating kaming dalawa ni Bryce kasama ang dalawa kong bodyguads sa bahay ni Dada Marco. Ang mayabang na si Valenz agad ang humila sa akin palayo kay Bryce kaya tinulak ko rin ito palayo saakin. "Kakadating palang ni Irah bubwesitin mo agad." Natatawang sabi ni Dada Marco nang mapansin ang eksena sa veranda. Ngumisi si Bryce at nameywang sa gilid. Magkaibigan naman sila ni Valenz lalo na't hindi rin ito ang unang beses na pumunta siya rito kasama ko. Mas matangkad ng kaonti si Valenz kaysa kay Bryce pero lamang si Bryce pagdating sa tindig. He got a massive body at may mas ikakabuga ang katawan kumpara kay Valenz na not so muscular pero sakto lang naman para maglaway ka. Noong nakaraang dalawang buwan ay sinamahan ako ni Bryce rito bago ako tumulak noon sa

