"Are you sure mabait ang coach niyo?" Kabado kong tanong kay Connor. "You're the one who forced me into this so you have to go with me." He said and I rolled my eyes at him. Naglalakad kaming dalawa ngayon papunta sa office nila para ipaalam sa coach niya na babalik na siya sa team. Tatlong araw niya ngang pinag-isipan ito tapos ngayon na nakapag-decide na siya, bigla niya na lang akong hinatak pagkatapos kong mag lunch. And to tell you the truth, hindi po kami sabay na kumakain. Kasabay silang dalawa ni Marco at sabay naman kami ni Mira. Nagkakasabay lang kaming dalawa kapag over time o under time ang klase ng dalawa kaya minsan sinasamahan niya na lang ako. May mga times din na wala siya sa campus tuwing lunch time kaya mag-isa ako palagi. Hindi ko naman inaalam ang mga lakad niya at h

