When I went back, wala na si Bianca sa upuan ko. Kanina, nang makarating ako dito ay nakaupo ang ahas sa upuan ko.kaya kung hindi dumating si Mira, baka naputol ko na ang katawan ng ahas na ‘yon. Tsk. Lumapit ako sa upuan at nag-spray ng alcohol doon. Hindi pa rin ako nakontento at pinalitan ko ito ng ubang upuan. Ayokong umupo sa lugar kung saan galing ang isang ahas. Dumating na din ang professor namin at natapos ang buong morning lessons na hindi kami nag-iimikan ni Connor. Buonh morning period ay tulog lang siya at ni hindi man lang siya tinawag ng isa sa mga professor namin. Tsk. Too unfair. “So? Ano na ang plano mo ngayon?” bungad sa akin ni Mira pagkalabas ko ng classroom. We’ll be going to grab our lunch together since wala ng rason pa para tanggihan ako ni Mira dahil tapos na

