“You should have seen Connor’s face beb. You will surely fall in love with hi—” “Mira. . .” mahina kong tawag sa kanya. Tiningnan ko siya ng masama at napahinto naman siya sa pagsasalita. Tumingin kami sa lalaking nasa likod na nakaupo at nagbabasa sa kanina pa niyang hawak na libro. “I’m sorry. Nandito nga pala siya.” Ngumiti siya ng pilit sa akin at umiling-iling lang ako. Mas lalo yatang sasakit ang ulo ko kapag si Mira ang magbabantay sa akin. Tsk. “Can you even tell me what exactly happened? Kanina ka pa nagsasalita pero wala ni isa sa sinabi mo ang sagot sa tanong ko. Ano ba ang nangyari?” “Connor found out that you are not in your class. Maaga kayo ngayong hapin diba? Nag cut siya ng klase at pumunta ng auditorium. Akala ko nga ako ang pinunta niya don diba? Magseselos ka sa na

