JENNY'S POV: NANGINGITI ako habang inaasikaso ako ng ninong dito sa silid niya. Kahit dumating na ang mag-inang Lucia at Lance, hindi ako ipinalipat ng ninong sa dating silid na tinuluyan ko. Mukha namang hindi natatakot ang ninong na matuklasan ng mag-ina na may relasyon kaming dalawa. Harap-harapan nga niyang ipinapakita kanina kung gaano niya ako kamahal. “I'm sorry, sweetheart. Hindi dapat kita iniwan doon mag-isa kanina e.” Paumanhin nito matapos mailagay ang moisturizer sa buong katawan ko. Nakapantulog na kasi ako at wala na akong planong bumaba pa. Kahit nasabuyan ako ni Lucia kanina ng tubig, hindi na masama ang loob ko. Dahil kitang-kita kung paano nainis ang mga trabahador sa kanya kanina– lalo na si ninong. Idagdag pang huling-huli ng ninong kanina ang muntik niyang pagsampa

