SIMON'S POV: THREE YEARS LATER: NAPANGITI akong bumaba sa kabayo ko at tumuloy sa puntod ng mag-ina kong nandidito sa hacienda. “Kumusta, Mommy, anak,” pagkausap ko sa puntod nila at ibinaba ang dala kong bulaklak para sa kanila. Nagsindi rin ako ng kandila at nilinisan ang kalat sa ibabaw ng nitsu nila. Matapos malinisan ang kanilang nitsu, naupo ako sa gilid ng nitsu ng anak namin at napahaplos sa pangalan niya sa lapida. “It's been almost twenty years, anak, pero masakit pa rin. Lalo na't alam ko na kung bakit kayo nawala sa akin. Wala manlang akong idea na. . . na naghihintay pala kayo ng mommy mo ng hustisya sa pagkawala niyo sa mundong ito,” pagkausap ko sa lapida ng anak ko. Tumulo ang luha ko na ikinapikit ko. Sobrang sakit pa ring tanggapin na malayang namuhay si Lucia ha

