JENNY'S POV:
ILANG minuto akong nakasiksik sa dibdib ni ninong. Umiiyak na parang batang nagpapasaklolo sa kanya. Tahimik lang din ito. Hinahagod niya ako sa likuran habang yakap-yakap niya ako. Kino-comfort sa bisig niya.
"Don't mind those bashers, sweetheart. Wala naman silang alam kundi magbitaw lang ng hateful words sa internet e. Alam mo kung ano ang totoong nangyari. Kaya hwag kang magpaapekto sa kanila, hmm?" aniya na pinahid ang basang-basa kong pisngi.
Napapalabi akong nakatingala dito. He smiled and caressed my cheeks. He even kiss me on my forehead. Napapikit ako. Bumilis ang pagtibok ng puso ko sa magaang paghalik niya sa noo ko.
"Ninong, hindi po talaga ako. Hindi ako ang nakasagasa sa vendor. Pero bakit ako ang sinisisi nila?" I asked.
Napabuntong hininga siya nang malalim. Lumamlam ang mga mata na ikinulong akong muli sa kanyang bisig.
"Ang sabi ng daddy mo, binaliktad ng suspect ang kwento. Ikaw ang sinasabi na nakabundol sa vendor. Mukhang binayaran din ng ama niya ang naroong witness noon. Kaya ang kotse mo ang inilarawan na bumundol sa biktima. Alam mong anak ng Vice President ng bansa ang nakalaban mo, 'di ba?" maalumanay nitong saad na ikinatango-tango ko.
My fist clenched. Nagngingit ang mga ngipin ko na naiisip si Alex-- ang nakalaban ko sa karera at anak ng Vice President ng bansa.
"Pero may dashcam ang kotse ko sa likod at harapan, ninong. We can use it po para mapatunayan kong hindi talaga ako ang salarin," wika ko na ikinatango nitong ngumiti sa akin at hinaplos ako sa ulo.
"Yeah. Iyon ang alas natin laban sa kanila. Kaya hwag ka nang mag-alala, hmm? Hwag mo na ring pansinin ang mga nangba-bash sa'yo sa internet. Tama ang daddy mo, makakabuti na hwag ka na munang gumamit ng internet. Dumito ka na muna sa akin. Hindi naman kita pababayaan dito e." Saad niya na napakaalumanay ng pagkakasabi.
"Pero hindi naman po ako makukulong, 'di ba, ninong?" I asked him.
He smiled and nodded. "Oo naman, sweetheart. Kahit Vice President pa ang kalaban natin, hinding-hindi papayag ang pamilya mo na makulong ka. Because you're innocent. Kaya dito ka muna sa akin, okay? It's for your own good. Hwag kang aalis sa tabi ni ninong. Dahil ako ang poprotekta sa'yo habang nandidito ka, you understand?" wika niya na maalumanay ang tono.
I nodded. Nagsumiksik ako sa dibdib nito na dinig kong napalunok. I can even feel his heart beats. Ang bilis ng t***k ng puso ni ninong. Hinaplos niya ako sa ulo at hinagkan sa noo.
"Damn, Simon. You can't fall for her," he murmured.
Umabot iyon sa pandinig ko. Napatingala ako sa kanya. Nakayuko pala siya kaya muntik na kaming maghalikan sa mga labi! Tumatama sa mukha ko ang mainit at mabango niyang hininga sa sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa. Napatitig ako sa kanyang mga mata. Mapupungay ang mga iyon na tila nangungusap sa akin.
"Ninong, are you okay?" I asked him.
He swallowed. Tila hirap na hirap siyang lumunok. I don't know what's happening to him. Dahil ibang-iba ang mga mata niya ngayon. Na tila may iniinda siya. Tila nahihirapan siya at tila nagpipigil siya ng sarili.
"I am, sweetheart." He whispered.
Mabigat ang paghinga niya na muli akong niyakap at ikinulong sa kanyang bisig. Hindi naman ako umangal. Pinapakiramdaman ko lang siya. Hanggang sa unti-unti na rin niyang nakalma ang sarili.
MAGHAPON kaming nasa opisina ng ninong. Nagtrabaho ito habang ako ay nakahilata sa mahabang sofa, watching c-dramas on his laptop. Hindi na rin ako gumawi sa social media ko. Because of what I've found out today, I've decided to stay here in the province for a while. Now I understand why my dad sent me here. It's for my own good.
My ninong is human too. Mukhang wala naman talagang nage-exist na aswang sa panahon ngayon. So I have no reason to be scared of the people here. Especially ninong. Masyado lang akong nadala sa napanood ko last time sa TV. Na may mga aswang sa mga liblib na lugar. Kaya natakot ako kay ninong.
"Uhm, sweetheart, okay lang ba sa'yo na dito tayo magpalipas ng gabi? Malakas ang ulan sa labas at mahihirapan tayong umakyat ng hacienda nito. Lalo na't rough road ang daan," ani ninong.
Napalingon ako sa labas. Malakas nga ang ulan at magdidilim na. Hindi kasi naririnig dito sa loob lalo na't naka-focus ako sa pinapanood ko.
"Opo, ninong. Pero-- can you buy clothes for me? Wala po akong dalang pantulog at pagbibihisan ko bukas," sabi ko.
He smiled and nodded. Tumayo na rin ito sa kanyang swivel chair. Sinenyasan niya akong bumangon kaya tumayo na ako. I turned off his laptop. Tapos na rin naman ang pinapanood ko. I fixed my messy hair and waited for ninong to approach me.
"Samahan mo ako na mamili ng mga damit mo. Para ikaw ang pumili ng mga gusto mo." Aniya na ikinatango ko.
Ngumiti ito na inakbayan ako. Yumapos naman ang braso ko sa baywang niya. Lumabas kami ng opisina nito at sumakay ng elevator pababa.
"Do you own this whole building, ninong?" tanong ko habang pababa ang elevator.
"Yes, sweetheart. At ito rin ang pinakamatunog na commercial building dito sa bayan." He answered and winked.
Napataas ang kilay ko na inismiran itong natawa. I can't help but admire him in my mind. Gwapo ang ninong. But he looks even more handsome when he laughs or smiles. His laugh is so pleasing to the ear. No wonder many girls are chasing after him. And the annoying thing is? He's a playboy. Halata naman e. Babaero ang ninong pero ayaw lumagay sa isang relasyon. Katulad lang siya ng mga lalake sa pamilya namin. Mga babaero.
"Come," aniya na hinila na ako palabas ng elevator.
He intertwined our palms. Hinila niya ako sa gawi ng women's section dito sa department store na pinasukan namin. Marami-rami pa rin ang tao dito sa loob.
"Good evening, Sir Sai," pabebeng pagpapa-cute ng mga saleslady dito.
"Good evening, ladies," sagot ni ninong na kumindat pa sa mga itong napapairit at nagsisikuhan.
"Stop flirting. You're still at work, right?" inis kong baling sa mga saleslady na natahimik at nagsiyuko. "Tsk. Ang lalandi."
Bumitaw ako kay ninong at iniwan na ito. Kaagad naman niya akong sinundan.
"Hey, sweetheart. Hwag ka namang magalit," aniya na inakbayan ako.
Inalis ko ang kamay niya at sinamaan siya ng tingin. Napalunok pa siya na napalapat ng labi. Kitang natakot sa akin.
"Isa ka pa. You're so malandi. Ganyan ba talaga kayong mga lalake, ninong? Porke ba gwapo kayo, kaliwa't kanan na ang mga babae niyo? Wala kang pinagkaiba sa mga lalake sa angkan namin e," iritadong pagalit ko dito na napatikhim.
"Ahem! Sweetheart, pinansin ko lang sila dahil binati nila tayo. Alam nilang ako ang may-ari ng building na ito kaya binabati nila ako," he explained.
I rolled my eyes and cross my arms on my chest. Napataas ako ng isang kilay na tumitig ditong nagpipigil mapangiti.
"Ang maldita talaga," he whispered pero narinig ko pa rin naman.
"Tsk. Kung maldita ako-- babaero ka naman," ingos ko na inirapan ito at nagpatiunang nagtungo sa mga damit na naka-display.
I heard him laughed of what I've said. Hindi ko na ito pinansin at namili ng maisusuot ko. Lumapit ito na pinanood akong mamili ng mga damit. Pangiti-ngiti pa siya na nakabundot sa akin kahit iniirapan ko kapag magsasalubong ang mga mata namin.
"Wala ka bang ibang gagawin kundi panoorin ako, ninong?" I sarcastically asked.
He chuckled and shook his head. Pinaningkitan ko ito na napatikhim. "Wala, sweetheart. Bawal akong makipag-flirt sa mga saleslady e. Magagalit ang little sweetheart ko." Pabirong sagot niya.
I raised my eyebrow of what he said. "Mabuti alam mo," ingos ko ditong napahagikhik.
I just picked out what I'll wear tonight and for tomorrow. I don't like their products here. They're cheap for me. Sanay ako na mula pagkabata, kahit underwear ko ay branded.
"Kasya ba ito sa'yo, sweetheart? Parang ang laki naman nito?" ninong asked me.
My eyes widen when I saw what he's talking about! Hinablot ko ang bra na kinuha ko at pinandilatan siya ng mga mata! Nangingiti naman ito.
"This is my size noh? Saka pwede ba? Don't touch my underwear," ingos ko ditong napahagikhik.
"Hindi pa sa'yo, sweetheart. Hindi pa natin nababayaran kaya pwede ko pa siyang hawakan," palusot nito na may pilyong ngiting naglalaro sa mga labi.
Napaikot ako ng mga mata na tinalikuran itong tatawa-tawa. Napapasipol pa siya habang nakapila kami sa counter.
Matapos naming mabayaran ang mga damit ko, bumaba kami sa first floor ng building. Ipina-laundry ni ninong ang mga iyon para ready to used na.
"Kumain na muna tayo habang hinihintay ang damit mong malabhan, sweetheart." Aniya.
Napanguso akong nagpatianod dito. Nakaakbay na naman siya at pinaniningkitan ang mga lalakeng napapatingin sa akin.
"Gusto mo ba dito? Hindi tayo makalabas ng building at baha na ang kalsada. Baka masiraan pa tayo ng sasakyan," aniya na itinuro ang malapit na fast-food.
"Ayoko. Mamili na lang tayo ng mailuluto." I answered.
"Sinong magluluto?" he asked.
"Ikaw, malamang."
Napahalakhak ito na nasiko ko. "Ninong mo ako pero-- parang alipin ang tingin mo sa akin, sweetheart." Aniya pa na hinila na ako sa grocery store.
"Naman, ninong. Alangan ako ang paglutuin mo," ingos ko.
"Nagugutom na ako e. . . paglulutuin mo pa ako. Ikaw talaga." Aniya na dumampot ng basket.
"What do you want for our dinner?" tanong niya habang nagtitingin-tingin kami ng mailuluto.
"I want steak and baked salmon. Bumili tayo no'n," I answered.
Napakurap-kurap pa siya. Tila hindi makapaniwala sa narinig.
"Seryoso, sweetheart?" tanong niya sa akin.
I smirked and nodded. "Yes, ninong. I'm serious. Bakit? Ayaw mo?"
Alanganin siyang ngumiti na napakamot sa ulo. "Dapat pala hindi na ako nagtanong. Pinapasakit mo ang ulo ko," bubulong-bulong reklamo niya.
"May sinasabi ka, ninong?" paninita ko.
"Wala a. Sabi ko nga, bibili tayo ng mga gusto mo." Sagot niya na dinadaan ako sa magandang ngiti niya.
Pinaningkitan ko ito. Nagdududa sa pagsang-ayon niya. Halata kasing napilitan lang siya. Na ayaw niya sa gusto ko.
"Ayaw mo yata e," nagdududa kong saad.
Umiling-iling naman ito na matamis na ngumiti. "Gusto, sweetheart." He answered.
"Tsk. You have no choice din naman, ninong. I am the boss here." Ingos ko ditong napahagikhik.
"Ang sarap mong isako."