SIMON'S POV: NAPAHALIK ako sa noo ni Jenny na ngayon ay nahihimbing na. Kitang napagod ko ito pero hindi naman nagrereklamo. Masaya ako na kahit napapagod ko siya, buong puso niya pa ring ipinauubaya ang katawan niya sa akin. “Magpahinga ka na muna, sweetheart. Aalis na si ninong, mahal kita, Jenny ko.” Bulong ko na muli itong hinalikan. Napahinga ako ng malalim. Ewan ko ba. Ang hirap umalis. Siguro dahil bababa ng bayan si Jenny. Parang ayokong umalis ito dahil iba ang nagpaparamdam sa akin. “Damn, Simon, nagiging obsessed ka lang yata sa mahal mo,” kastigo ko sa sarili. Magaan kong niyakap na muna si Jenny at muli siyang hinalikan sa noo at mga labi bago tuluyang lumabas ng silid. Pagdating ko sa tapat ng pintuan, muli akong napalingon sa mahal ko na payapang nahihimbing. “Ang h

