JENNY'S POV: NANGUNOTNOO ako na maramdamang mag-isa na ako sa kama. Napakusot-kusot ako ng mga mata bago nagdilat. Wala na nga ang ninong dito sa silid. It's already eight o'clock in the morning na rin. Ang sarap ng tulog ko at walang mga manok na maingay sa umaga. Napangiti ako na bumangon na sa kama. I headed to the restroom to do my morning routine. Tiyak na nasa labas na ang ninong at naghahanda ng agahan. Nakakainis lang kasi-- babalik na kami mamaya sa hacienda. Kung sabagay, hindi pa ako nakakalibot sa hacienda ng ninong. Ang sabi naman ng daddy, maganda sa hacienda. Kaya dito niya ako ipinadala para daw ma-enjoy ko ang short vacation ko dito habang inaayos nila ang scandal ko. Siguro naman ay hindi na ako iiwanan ng ninong doon sa hacienda. At kung bababa siya dito sa bayan,

