SIMON'S POV: MAGHAPON na nandito sa mansion si Aurora, dito na rin siya nagtanghalian at katulong ko siyang nag-alaga kay baby Luther. “Ang ganda talaga dito sa lugar mo, Sai, mas maganda dito kaysa sa hacienda namin e.” Wika nito habang dahan-dahan kaming naglalakad dito sa may malawak kong citrus farm. Karga nito si baby na carrier at inaalalayan ko naman siya. Hindi naman maaraw ngayon kaya naglakad-lakad na muna kami at maaga pa naman. If I'm not mistaken, it's only 3: o'clock. “Naku, sakto lang. Maganda lang siyang tignan ngayon dahil malapit na ang anihan, kaya maraming bunga ang mga citrus namin dito. Maganda rin naman sa inyo e. Ikaw talaga,” sagot ko. “Hindi rin. Mas gusto ko nga dito e,” mahinang sagot niya na narinig ko pa rin naman. “Pwede bang pumitas?” pamamaalam pa

