Chapter 1

1506 Words
NAKABUSANGOT ang dalaga na bumaba sa chopper nila. Ipinahatid ni Noah ang dalaga nitong si Jenny sa probinsya ng Davao kung saan ang ninong nito na may malawak na hacienda. Nasangkot kamakailan ang dalaga sa isang illegal car racing at mainit ito ngayon sa publiko. May nabundol kasi ang kalaban ni Jenny sa racing na isang street vendor. At dahil kasabayan ng dalaga ang nakabundol sa vendor, pati ito ay hinuli ng pulis at kinasuhan. Kaya naman para magpalamig, pinagbakasyon na muna ni Noah ang dalagang sa kanyang kumpadre. Maganda sa hacienda. Malayo sa bayan. Tanging mga trabahador lang ang naroon at wala ding internet kaya makakaiwas sa social media ang dalaga. Malaki naman ang tiwala ni Noah sa kaibigan niya na ninong ni Jenny. Byudo ito at nakatutok ang binata sa pagpapalago sa hacienda nito. Kaya nga ito ang may pinakamalawak ang hacienda sa buong Davao. "Señorita, magandang hapon po. Ako po ang naatasan ni Boss Simon na susundo sa inyo dito sa burol. Tara na po at baka maabutan tayo ng ulan sa daan. Madulas po ang daan pababa kapag maabutan tayo ng ulan," magalang saad ng isang matandang lalake. Nakabusangot pa rin si Jenny. Maganda ang hacienda. Malamig ang hangin at presko. Pero hindi niya magawang magsaya na nandidito siya sa probinsya. Pakiramdam niya ay pinaparusahan siya ng kanyang ama. Gayong alam ng ama niya na hindi niya kayang mabuhay sa probinsya lalo na't walang internet! Umalis na rin ang chopper nila. Kaya tanging ang dalaga at dalawa nitong malalaking maleta ang naiwan. Nagsisimula na ring dumilim ang kaulapan at nagbabadya ang malakas na ulan. Hindi sumagot si Jenny. Kinuha naman ng matanda ang dalawang maleta nito. Isinakay sa wrangler jeep na dala at pinagbuksan pa si Jenny ng pintuan. Sa nakikita nito ay suplada ang dalaga. Anak mayaman at laking syudad. Ang sexy din ng kasuotan nito. Nakasuot ng sando at maong short ang dalaga. Nakasuot din ng boots na may mataas na heels. "Mag-seatbelt po kayo, señorita. Baka mauntog kayo," wika pa ng matanda dito. Hindi man sumagot si Jenny, pero sumunod naman ito. Nagsuot siya ng seatbelt na nakabusangot pa rin. Tila walang planong kausapin ang matandang sumundo sa kanya sa burol. Hindi sementado ang daan pababa ng burol. Kaya naman ilang beses muntik sumubsob at mauntog si Jenny kahit maingat ang pagmamaneho ng matanda. Bukod kasi sa mataas ang gulong ng sasakyan nila, rough road ang daan kaya hindi maiwasang pagewang-gewang ang sasakyan habang pababa sila ng burol. Halos thirty minutes din ang lumipas bago sila nakarating sa mansion ng hacienda. Malawak ang bakuran nito na may mga pananim na bulaklak sa bawat sulok. Sa likuran ng mansion, makikita doon ang magkakatabi na kabahayan na iisa ang disenyo. Mga tuluyan ng mga trabahador at ang karamihan sa mga ito ay may kanya-kanya na ring pamilya dito sa hacienda. Napanguso si Jenny. Hinintay na pagbuksan siya ng pintuan ng matanda. Nakaabang naman ang mga trabahador sa harapan ng mansion. Nagbubulungan at naghihintay sa pagdating ng dalaga na bisita nila. Inabisuhan na kasi sila ng kanilang boss na i-welcome ang bisita nilang inaanak nito. Sinabi rin ni Simon na hwag mag-expect ang mga trabahador niya na mabait ang inaanak niya. Dahil sutil ito, pilya, spoiled brat at laking syudad. Kaya kahit ang maghugas ng baso ay hindi ito marunong. Bumaba si Jenny sa wrangler. Namamangha naman ang mga binata na makita kung gaano ito kaganda. She's only eighteen at noong nakaraang buwan lang ito nag-debu. Sakto namang bakasyon na kaya matatagalan din ito sa hacienda. Dahil saka lang ito makakabalik sa syudad kapag sinabi na ng ama nito. "Magandang hapon po, Señorita Jenny! Maligayang pagdating sa Hendersonville's hacienda!" sabay-sabay na pagbati ng mga trabahador na may malapad na ngiti sa mga labi na nakamata sa dalaga. Para itong anghel na bumaba sa lupa sa sobrang ganda at sexy nito. Napakaputi ng kutis na parang kutis porselana sa ganda! Mahaba ang unat nitong buhok na bumagay sa dalaga. Nakalugay iyon at hinahangin pero napakaganda pa rin nito. Na kahit sinong lalake ay matutulala na makita ito lalo na sa malapitan! "Where's my room?" tanong ni Jenny sa matanda na siyang sumundo sa kanya. Napangiwi naman na napahiya ang mga trabahador. Ni hindi manlang sila pinansin ng dalaga o kahit tumango o ngumiti sa kanila. Napakamot pa sa ulo ang matanda. Sinenyasan ang asawa nitong mayordoma sa mansion na lumapit. "Uhm, señorita, siya ang asawa ko, si Virginia. Siya ang mayordoma dito sa mansion ng mga Hendersonville at siya rin ang inutusan ni Boss Simon na mag-alaga sa'yo habang nandidito ka sa hacienda." Magalang saad ng matandang lalake dito. Ngumiti naman ang ginang. Kahit nakabusangot ang kaharap nila. Namamangha ito kung gaano kaganda ang dalaga. Kahit na wala itong kangiti-ngiti at mukha ngang maldita. "Magandang hapon, Señorita Jenny, halika po sa loob. Ihahatid muna kita sa magiging silid mo," wika ng ginang dito na nagpatiunang pumasok sa mansion. Napahawi naman ang mga trabahador para bigyan daan ang mga ito. Sumunod si Jenny sa ginang. Dinala naman ni Mang Cesar ang dalawang maleta ni Jenny na sumunod sa dalawa. Napasunod sila ng tingin sa dalaga. Ang iba ay disappointed sa inasta ni Jenny. Kahit pa naabusuhan na sila na suplada ito, disappointed ang mga ito na hindi manlang sila pinansin ni Jenny. Pagpasok nila sa mansion, napapatingala si Jenny. Maganda naman ang mansion. Malinis at maaliwalas itong tignan. Bagong dating pa lang si Jenny dito pero nabo-bored na ito. Ni hindi niya ma-appreciate ang ganda ng mansion. Para sa kanya, ang baduy nito at hindi pasado sa standard niya. Dahil nasa old design ang mansion. Gawa sa magagandang kahoy ang halos kabuoan nito. Ang sahig, ang dingding at mga kisame. Hindi katulad sa mga mansion nila sa Madrigal's compound na mga moderno ang disenyo at nagsusumigaw sa karangyahan. Umakyat sila sa second floor ng mansion. May ilang silid pa silang nadaanan bago narating ang silid na para sa dalaga. Ngumiti ang mayordoma na humarap kay Jenny. "Dito po ang magiging silid niyo, señorita. Iyang katabi mong silid, iyan ang master's bedroom. D'yan ang silid ng ninong mo. Dito ka raw tutuloy malapit sa ninong mo para madali mo siyang mapuntahan kapag may kailangan ka." Wika ng ginang dito na binuksan ang pintuan. Pumasok si Jenny sa silid. Napapanguso na inilibot ang paningin. Purong kahoy ang dingding, kisame at sahig nito. Napakatingkad tignan at nababahiran ng barnis ang buong silid maging ang sahig. Kaya makintab at malinis tignan kahit kahoy ang gamit. Maluwag naman ang silid. Walang masyadong gamit kaya may malawak itong espasyo. May sarili din siyang banyo dito at mini sala. May dalawang naka-display na bookshelf na puno ng mga aklat at nasa gitna nitong silid ang queen size bed nito na kulay pink pa ang mattress at maging pillowcase. Maging ang mga bagong lagay na kurtina sa dalawang bintana nito ay kulay pink din. "You can leave now. Don't disturb me. Matutulog na ako," malamig at masungit na saad ni Jenny sa mag-asawa. Pilit ngumiti ang dalawang matanda na yumuko dito. "Sige po, señorita. Maiiwan ka na po namin. Kung nagugutom na po kayo, bumaba lang po kayo--" Natigilan sa pagsasalita si Aling Virginia na kumumpas ang daliri ni Jenny, senyales na pinapaalis na niya ang mag-asawa. Napabuntong hininga na lamang ang ginang at lumabas na sila ng asawa nito. Naiiling kung gaano kasuplada ng bago nilang alaga sa mansion! Nagtungo naman sa banyo si Jenny. Naligo na muna ito. Walang aircon sa silid niya. Pero malamig naman dahil sa klima sa lugar. Idagdag pang napapalibutan din sila ng mga punong-kahoy. Kaya napakasariwa ng ihip ng hangin sa paligid. Matapos maasikaso ang sarili, humiga na ito sa kama. Nagugutom na ito pero wala itong ganang kumain. Lalo na't wala naman siyang kakilala sa mansion. Hindi siya sanay na malayo siya sa pamilya. Kaya ngayon, malaki ang adjustment sa routine niya lalo na't hindi niya alam kung hanggang kailan siya sa hacienda. "Nakakainis. Wala manlang TV si ninong dito," usal niya na nababagot. Dala niya ang cellphone niya at iPad. Pero wala namang wifi sa mansion. Wala ding signal. Kaya kailangan mo pang bumaba sa bayan kapag may tatawagan kang kamag-anak. Nakatulog ang dalaga dala na rin ng pagod. Hindi nito namalayan ang pagdating ng kanyang Ninong Simon. Sinilip naman muna ni Simon ang inaanak nito. Dahil alam niyang nakarating na sa hacienda nila ang dalaga. Napangiti si Simon na inabot ang kumot at kinumutan ang dalaga. Napakaganda nitong bata at napakaputi din ng balat nito. Hindi niya tuloy maiwasang purihin sa isipan ang inaanak niya. "Goodnight, sleepyhead. Welcome to my home," bulong ni Simon na hinagkan ito sa ulo at pinatay na ang ilaw sa silid. Lumabas din kaagad si Simon ng silid. Kahit naging abala ito maghapon sa bayan ay may mga inuuwi pa itong lalagdaang documents. Kaya hindi na niya ginising pa si Jenny at marami pa siyang kailangang tapusin. May sarili din kasi itong commercial building sa bayan. Kaya araw-araw itong bumababa doon para imanage ang kumpanya niya doon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD